ARESTOHIN si dating Pangulong Benigno “Noy” Aquino III, at iba pang dating matataas na opisyal ng kanyang gobyerno sa mga kasong war crimes, crimes against humanity at mga seryosong paglabag sa international humanitarian law at human rights law.
Ito ang naging hatol ng People’s Court ng National Democratic Front- Southern Mindanao Region (NDF-SMR) kina Aquino, North Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza, Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista, North Cotabato Representative Nancy Catamco, at iba pang opisyal ng pulisya’t militar bunsod ng madugong dispersal ng barikada ng mga magsasaka o Kidapawan massacre.
Noong 1 Abril 2016, nagbarikada ang may 6,000 Lumad at magsasaka sa national highway sa Kidapawan City bilang protesta sa labis na kapabayaan ng reaksiyonaryong pambansa at panlalawigang pamahalaan sa malubhang kagutumang nararanasan ng mga residente ng rehiyon dulot nang malalang tagtuyot.
Naging marahas ang pagpisak sa mga raliyista na ikinamatay ng dalawang sibilyan, seryosong pagkasugat ng 34, at pagdakip sa 79 katao, siyam sa kanila’y mata-tanda at lima ang buntis, na sinampahan ng mga imbentong kaso ng pulis-ya.
Kaugnay nito, tiniyak ng Malacañang ang sapat na seguridad at proteksiyon kay Aquino at iba pang personalidad na ipi-nadarakip ng rebolusyonaryong kilusan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, iisa lang gobyerno, gayondin ang justice system sa Filipinas kaya’t ang kinauukulang awtoridad ang magpapasya sa isyu ng ma-dugong dispersal ng mga magbubukid sa Kidapawan.
“We only have one government and one justice system in the Philippines. Only the appropriate body can rule on the issue of the violent dispersal of farmers in Kidapawan. Be that as it may, security measures are in place to guarantee the protection of the former President and other personalities mentioned by the announcement of the National Democratic Front,” ani Abella.
(ROSE NOVENARIO)