Monday , December 23 2024

Digong ‘di konsintidor sa kaliwete (Kahit siya’y chick boy)

HINDI kinokonsinti ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangangaliwa o pagtataksil sa asawa kahit maituturing ng publiko na siya ay chick boy.

Pinatotohanan ni Justice Undersecretary Aimee Neri ang pagiging protektor sa karapatan ng kababaihan ni Pangulong Duterte, no-ong alkalde pa ng Davao City, siya mismo ang nagpursige na sampa-han ng kaso ang mga lalaking lumalabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Wo-men and Their Children Act.

“If a person is legally married to another person and having a pa-ramour is not only illegal and immoral but it is unacceptable in our culture. The President himself does not tolerate it. Based on my experience when I worked for him when he was still mayor in Davao City, he pursued so many VAW cases in Davao and majority of that cases are psychological abuse, infidelity and all that. We have existing laws to prosecute,”ani Neri.

Ang pahayag ni Neri ay kasunod sa kontro-bersiyal na komentaryo ni Speaker Pantaleon Alvarez, na pangkaraniwan ang pagkakaroon ng kerida ng mga lalaki.

Giit ni Neri, batid niya bilang nagsilbi sa administrasyong Duterte sa Davao City, ay kontra ang Pangulo sa sinabi ni Alvarez dahil mismong mga naging tauhan nila sa siyudad ay ipinaasunto niya lalo na ang mga pulis na taksil sa asawa at pabaya sa pamilya, at binigyan pa ng libreng abogado ang mga biktimang kababaihan at kabataan kahit hindi taga-Davao.

“This is what I can say being a lawyer and advocate for women it is unacceptable. I know in my heart based on my experience the President does not tolerate it. We were trained in Davao City to handle cases spefically because he does not tole-rate infidelity. Marami po siyang ini-relieve na police officers because they had many paramours. They abandoned their wives. Marami po siyang mga tao niya mismo pinapa-prosecute niya because they were not faithful to their wives. They violated the existing laws espe-cially Republic Act 9262,” dagdag ni Neri.

Nagtayo aniya ng rescue team si Duterte sa Davao City na nagliligtas sa mga inabusong kababaihan at kabataan at ang siyudad ay kinilala bilang gender sensitive city sa buong Filipinas.

Para kay Communications Assistant Secretary Anna Banaag, ang regalo ni Pangulong Duterte sa mga kababaihan na ipatutupad sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan, halimbawa sa Pre-sidential Communications Office (PCO), na tinutukan ang pagpapalaya sa matatanda at maysakit na kababai-hang detenido.

“Meron na napalaya executive clemency about seven inmates at meron pa pending 52 women inmates who are old and sickly and we are hoping to release more deserving women inmates na puwede pang ma-grant ng executive clemency,” aniya.

Habang hinihintay ng Department of Justice (DoJ) na lagdaan ni Pangulong Duterte ang executive order na magtatatag ng Permanent Office for Women and Children, na hahawak sa mga kaso ng mga inabusong kababaihan at kabataan.

Hirit ng Department of Interior and Local Government (DILG) kay Pangulong Duterte ang ganap na implementas-yon ng Magna Carta for Women upang maipatupad nang maayos ang lahat ng programa sa kababaihan sa buong bansa dahil hanggang barangay ay may budget para sa Gender and Development (GAD).

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *