Saturday , November 16 2024

US sinisi ni Digong sa sigalot sa SCS

033017_FRONT
SOCORRO, Oriental Mindoro – Sinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapabayaan ng Amerika kaya namihasa ang China sa pagtatayo ng estruktura sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Sa kanyang talumpati sa People’s Day sa Barangay Batong Dalig, ikinuwento ng Pangulo, nang mag-usap sila ni US Ambassador to the Philippines Kim Sung sa Davao City kamakailan ay sinabi niya na hindi sinaway agad ng Amerika nang nagsisismula pa lang magtayo ng military structures ang China sa ilang teritoryo ng SCS.

“Sinabi ko, you know I’m surprised really, Mr. Ambassador, because had America really wanted to avoid trouble early on, e ‘di sana ‘yung overflights ipinakita na doon sa news that there was something a brewing, there was something as if a runway was being built. And there was some concrete buildings on the side of the coastal side,” aniya.

Kinuwestiyon ng Pangulo si Kim kung bakit hindi ipinadala ng Amerika ang warship nitong 7th Fleet na naka-estasyon sa Pasipiko para sitahin ang China na bawal ang ginagawang pagtatayo ng mi-litary structures sa SCS.

“Why did you not send the armada of the Seventh Fleet which is stationed there in the Pacific to just make a U-turn and go there and tell them right on there face, stop it? Because there is another set of law that says, you cannot build man-made structures diyan sa high seas,” aniya.

Pero katuwiran ni Kim, hindi pa siya ambassador sa Filipinas nang panahong sinasabi ni Duterte at ang assignment niya ay tutukan ang North Korea.

“Sabi nga ni ambassador, alam mo hindi ko assignment ‘yan noon, ang assignment ko ‘yung kababayan niya, ‘yung kadugo niya si — ‘yung Presidente ng North Korea, isa ring sira ulo,” anang Pangulo.

“I was not the one. But you know, you can see the gray hair it’s because of him. Iyong buang na leader, Kim Jong,” dagdag ni Duterte.

Inulit ng Pangulo na hindi niya papayagan na maging mitsa ng digmaan ang SCC lalo na’t may nakaimbak na mga armas pandigma ang Amerika sa Palawan na maaaring pagmulan ng malakas na pagsabog , bukod pa sa kapos sa kakayahang militar ang Filipinas para tapatan ang puwersa ng China.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *