Wednesday , May 14 2025

Pahayag ng Palasyo: Occupy na pabahay ibigay sa Kadamay

032917_FRONT
TIWALA ang Palasyo na mananatiling tapat ang militanteng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) sa kanilang “social contract” at iiwasan ang paggamit ng dahas upang igiit ito.

Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, naki-pagkasundo ang National Housing Authority (NHA) sa Kadamay hinggil sa isyu ng Occupy Bulacan, o ang puwersahang pag-okupa ng halos anim na libong kasapi ng militanteng grupo sa pabahay ng NHA sa Pandi at sa San Jose del Monte, Bulacan.

“Well, the NHA has exhibited patience and we hope that the Kadamay will be faithful to their contract—their social contract. But let us try to avoid the use of force,” ani Abella nang usisain hinggil sa opinyon ng iba na anarkiya ang Occupy Bulacan ng KADAMAY.

Kompiyansa aniya ang Palasyo na sapat ang kakayahan ng NHA para lutasin ang usapin.

“Let’s leave it to the proper authorities to handle that,” dagdag ni Abella.

Noong Lunes ay nagpasya ang NHA na huwag nang ipatupad ang eviction order laban sa mga pamilyang basta na lang tumira sa 5,000 low-cost-housing sites sa Pandi at San Jose City Del Monte City matapos pumayag ang KADAMAY na mag-apply bilang benepisaryo sa nasabing mga pabahay.

Sa dialogue ng NHA at KADAMAY, nagkasundo na simulan kahapon ng housing agency ang pagproseso ng housing applications ng mga miyembro ng militanteng grupo dahil nakahanda naman silang bayaran nang hulugan ang P240,000 halaga ng bawat bahay.

Hiniling ng KADA-MAY sa NHA na ami-yendahan ang “terms of payment” at gawing mas madali ang mga isusumi-teng requirements at bigyan sila ng tsansa sa go-vernment loans.

Halimbawa na ang pagkilala ng NHA sa barangay clearance o sedula bilang identification cards.

Kabilang sa mga ino-kupa ng KADAMAY ang Villa Elise , gayondin ang housing projects sa Padre Pio sa Brgy. Cacarong Bata, Pandi Heights 1 sa Brgy. Cacarong Matanda, Villa Louise sa Brgy. Si-ling Matanda, at Pandi Heights 2 at 3 sa Brgy. Mapulang Lupa, lahat sa Pandi.

“Shelter is one of the 10 basic needs of poor Fi-lipinos identified in the new anti-poverty framework of the NAPC, along with food and land reform, water, education, healthcare, work, social protection, healthy environment, peace, and participation,” pahayag ni National Anti-Poverty Commission (NAPC) Director-General Liza Maza.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *