Saturday , November 16 2024

Kill Digong plot bistado (Impeachment butata)

032517_FRONT

IBINISTO ni Pangulong Rodrigo Duterte, na seryoso ang mga hakbang para patalsikin siya sa puwesto sukdulang itumba siya para makaupo agad si Vice President Leni Robredo sa Palasyo.

Sa kanyang talumpati sa 16th National Convention of Lawyer  ng Integrated Bar of the Philippines sa Marriott Hotel sa Pasay City, isiniwalat ni Pangulong Duterte na magkakasabwat sina Vice President Leni Robredo, Senators Antonio Trillanes IV, at Leila de Lima sa destabilisasyon laban sa kanyang administras-yon.

Kung lilimiin ang pahayag ng Pangulo, tatlong paraan ang maaaring isagawa para mawala siya sa poder, una, mutiny o kudeta; ikalawa, palabasin siyang mass murderer sa pamamagitan nang paghahain ng kaso laban sa kanya sa International Criminal Court (ICC); at ikatlo, itumba siya.

Ipinahiwatig ng Pangulo sa pabirong paraan ang papel ng ‘triumvirate.’ Si Trillanes na nagpapanggap na makaba-yan ang nag-uudyok sa mga sundalo para mag-kudeta, si De Lima ang nagtatambol ng isyu ng extrajudicial killings (EJK) sa ICC, at si Robredo nama’y nakaabang na sakaling magtagumpay ang assassination plot laban sa kanya.

“Sabi nitong ugok na kasama ni Trillanes? Wala naman ginawa itong p***** i** ‘to? Nagmu-mutiny-mutiny. Pagda-ting ng pulis nag-surrender [laughter], Trillanes maalaala ko, ‘yan, ‘yan pakita ko ‘yan buong Fili-pinas magtakbo ‘yan. Paganon-ganon sa Makati, akala mo… Ito na ang mga Filipino natin na nationalist, pa-sigaw, sigaw. Tapos pumunta ng Pe-ninsula ‘e ninakaw lahat ng linen na maganda, mga kutsara, tinidor [laughter] lahat pati ‘yung piano, ikarga kung sino naka — Iyak, iyak ‘yung puti. Ni-ransack lahat tapos pagdating ng pulis nag-surrender. Tapos ngayon sila ‘yung akala mong mga crusading, crusading idiots, puro arte lang,” aniya.

“Look, mag-prangka tayo, they want me ousted? Who’s behind it? Itong si Trillanes. Sundalo, mas mabuti pang security guard dito and his help. Sinong isa? Si De Lima. Gusto na niya akong paalisin. Wala naman akong ginawang exhibition. T**** i**. Pangatlo si Leni, ‘e natural, kasi bakit pa siya maghintay kung nandiyan ‘yung opportunity. Barilin na lang iyan si ano… Well, so look at the people behind?” dagdag ng Pangulo.

Nauna rito’y tiniyak ng mga kaalyado ni Pa-ngulong Duterte sa Kongreso, na ibabasura ang impeachment complaint laban sa Punong Ehekutibo na isinampa ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano, kasama ni Trillanes na naglunsad ng Oakwood mutiny noong 2003, laban sa administrasyong Arroyo.

May balak ang mga abogado nina self-confessed Davao Death Squad (DDS) hitmen Edgar Matobato at retired SPO3 Arthur Lascañas, na magsampa ng kaso laban kay Duterte sa ICC bunsod anila ng extrajudicial killings sa drug war ni Duterte mula pa noong alkalde siya ng Davao City.

Kahapon sa 38th PNPA Commencement Exercises sa PNPA Aca-demy sa Silang, Cavite, ay magkatabi sa upuan sa entablado sina Pangulong Duterte at Robredo at kaswal na nag-usap bago ang seremonya.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *