Saturday , April 5 2025

Leni apurado maging pangulo (Utak ng destab plot) — Duterte

032417_FRONT
BANGKOK, Thailand – TINUKOY ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na utak ng mga pagkilos para patalsikin siya sa puwesto, dahil nagmamadali nang maging pangulo.

Sa mahigit dalawang oras na talumpati ng Pa-ngulo sa harap ng 2,000 migranteng Filipino na nakabase rito sa Royal Thai Navy Convention Center, sinabi ng Pangulo, nagkamali sila sa hindi pagboto kay Sen. Alan Peter Ca-yetano bilang bise-presidente kaya si Robredo ang nanalo.

Wala pa siyang isang taon sa puwesto ay gusto na siyang pabagsakin para palitan sa Palasyo.

Nagbiro ang Pangulo, na mas mabuti siguro na magpakasal na lang sila ni Robredo para makatira na sa Malacañang bilang First Lady niya.

“Ito si Alan (Cayetano) sayang lang iyan. E si ‘yung babae ang pinili ninyo. Apurado gusto akong paalisin. Hindi pa nga ako dumating isang taon dito paalisin mo na ako. Sige dalaga man siya. Sige pakasalan mo ako. Dalawa na tayo (d)ito. At least hindi ako mawawalaan ng ano. Bulong nang bulong na lang ako sa iyo. Ba’t nagmamadali. Maghintay ka. Ano bang ginawa sa ba-yan?” anang Pangulo.

Pinayohan ni Duterte ang mga migranteng Filipino na huwag maniwala sa mga ulat na gusto ni-yang magdeklara ng batas militar, ang nais lang niya’y pangalagaan ang sambayanang Filipino.

Tiniyak niyang hindi magnanakaw sa kaban ng bayan ang kanyang administrasyon, at ang pondo ng gobyerno ay ga-gamitin sa dapat paglaanan.

“May pera ang gob-yerno. Nako-corrupt lang pero may pera ang gobyerno. [applause] Kaya ‘yang pera na ‘yan, sagrado ‘yan para sa akin.

It does not belong to anybody’s pocket. It will not make anybody of us here rich. None of that. Kami trabaho lang. ‘Yan ang pinili namin ‘e gano’n ang mangyayari. Tapos sabi ko, wala tayong ibang… public interest. Filipino people. Period tayo diyan, diyan tayo magpakamatay,” dagdag niya.

Nagmistulang miting de avance ang okasyon at hindi kayang pigilan ng Thai Navy at police ang dumadagundong na sigaw ng mga Filipino ng “Duterte” habang iwinawagayway ang hawak nilang maliliit na bandera ng Filipinas habang naglalakad patungong entablado ang Pangulo, ga-yondin hanggang paglabas niya sa Convention Center.

Bago nagsimula ang pagtitipon ay inabisohan ng Thai authorities ang mga Filipino na huwag sumigaw, manatiling nakaupo at huwag gamitin ang cell phone sa pagkuha ng larawan at video sa Pangulo, pero sinuway nila bunsod nang sobrang galak sa pagbisita ng Pa-ngulo sa kanila.

IMPEACH LENI
IPINABABASURA
NI DIGONG

IBASURA ang impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.

Ito ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mambabatas hinggil sa inihaing impeachment complaint laban kay Robredo, kaugnay sa pagpapadala niya ng video message sa isang pagtitipon ng United Nations anti-drugs convention sa Vienna, Austria kamakailan, na binatikos ang extrajudicial killings kaugnay sa drug war ng administrasyon.

Anang Pangulo, mas maraming mahalagang isyu na dapat pagtuunan ang Kongreso kaysa patalsikin si Robredo.

“Look, you know, we just had an election. Guys, lay off. Let’s stop it. You can do other things but do not tinker with the structure of government. I will not countenance it,” aniya sa panayam sa paliparan mula sa pagbisita sa Myanmar at Thailand.

Inihalal aniya ng taongbayan si Robredo at hindi dapat patalsikin dahil lang binabatikos siya.

“Elected ‘yang tao e. So why do you have to? Just because she keeps on harping on me? Hayaan mo, this is a democracy, freedom of speech. Wala naman… There are… There is no or there are no overt acts committed. Kakatapos lang ng election. Bakit mo sisirain ang bayan,” anang Pangulo.

Sa Thailand kamaka-lawa ng gabi, tinukoy ni Duterte na nag-aapurang maging Pangulo kaya pinangungunahan ang destabilisasyon laban sa kanya.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *