BANGKOK, Thailand – Sinalubong si Pangulong Rodrigo Duterte nang napakahigpit na seguridad, makaraan mabuko ng mga awtoridad na may pla-nong itumba si Thailand Prime Minister Prayut Chan-o-Cha, ng kanyang pangunahing kalaban sa politika.
Dumating kamaka-lawa ng gabi si Pangulong Duterte kasama ang kanyang opisyal na de-legasyon, para sa dalawang araw na opisyal na pagbisita, habang napakainit na balita rito ang pagsalakay ng mga awtoridad sa bodega ng mga armas na pagmamay-ari ng isang kasapi ng Red Shirt Movement, isang political group na tapat kay exiled Prime Minister Thaksin Shinawatra.
Ayon kay Thailand National Police chief Jakchip Chalijinda, nasamsam ang dose-dosenang rifles, granada at libo-libong bala sa bahay ni Red Shirt leader Wuthipong Kochathamakun, at siyam na alipores niya ang nasakote.
“We found a rifle with a scope. We guarantee that this is not to shoot at birds but was going to be used to assassinate the leader of the country,” sabi ni Chajinda.
ni ROSE NOVENARIO