Wednesday , March 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sikat na aktres, nangutang para ibigay sa dyowa

Sikat na aktres, nangutang para ibigay sa dyowa

DUMATING na pala ang sikat na aktres na ito sa point na inutusan na niya ang kanyang mismong inutangan para ito ang magpadala ng pera by courier. At take note, ang padadalhan ay ang mismong dyowa ng aktres.

Ang kuwento, naglambing ang aktres na kung maaari’y makahiram siya ng P5,000 mula sa isang kaibigan. Willing naman ang huli, pero naloka na lang ito nang humirit pa ang aktres, ”Naku, salamat. Pero baka naman puwedeng ikaw na ang magpadala ng pera kay (pangalan ng dyowa niya) kasi ine-expect niya ‘yung ipadadala ko, eh. I-text mo na lang sa akin ‘yung control number para roon na siya pumunta sa pinakamalapit na branch. Thank you uli, ha? Sa uulitin,” sey ng aktres.

Sa isip-isip naman ng taong inutangan, ”Anong sa uulitin? Hindi na ‘to mauulit, ‘no! Inutangan mo na nga ako’t lahat na alam ko namang wala nang bayaran, inutusan mo pa ‘ko?! At sa dyowa mo lang pala ipadadala?”

Da who ang aktres na itey? Itago na lang natin siya sa alyas na Flora Eleonor.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ai Ai delas Alas Gerald Sibayan

Ai Ai delas Alas single na uli 

I-FLEXni Jun Nardo OPISYAL nang diborsyada si Ai Ai de las Alas sa asawang si Gerald Sibayan ayon sa …

Gil Cuerva

Gil Cuerva nagsalita na: video paglabag sa kanyang privacy

RATED Rni Rommel Gonzales SIMPLE, diretso, at walang paligoy-ligoy ang official statement ni Gil Cuerva tungkol sa …

Kim Molina Jerald Napoles

KimJe balik trabaho na

RATED Rni Rommel Gonzales ALIW na aliw ang netizens, kabilang na kami, sa mga video …

Derrick Monasterio Elle Villanueva Boy Abunda

Derrick tinalikuran pagiging babaero 

RATED Rni Rommel Gonzales KAPURI-PURI  si Derrick Monasterio sa pagiging matapat nito. Sa recent guesting kasi nila ng …

Caprice Cayetano Heath Jornales

Caprice napogian, kinilig kay Andres

MATABILni John Fontanilla MUKHANG hindi type ni PBB Collab 2.0 Big Winner Caprice Cayetano ang ipinapareha sa kanya ng …