NAHULI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang halos 10,000 motorista sa “No Contact Apprehension System,” at 300 behikulo ang na-impound sa isang linggong anti-illegal parking operations sa Metro Manila.
Batay sa ahensiya, nagsagawa ng anti-illegal parking operation ang mga tauhan ng MMDA nitong 6-10 Marso sa mga kalye ng Scouts Borromeo, Bayoran at Tobias; Panay Avenue, Sgt. Esguerra, Mother Ignacia Avenue, at Eugenio Lopez Drive sa Quezon City.
Habang 21 tricycle ang hinatak at na-turn-over sa Quezon City Tricycle Regulatory Unit, kaugnay sa kampanya kontra sa illegal terminal.
Nagsagawa ang MMDA ng operasyon sa tinaguriang Mabuhay Lane 1, bumabagtas patungong San Juan, Mandaluyong, Makati City, partikular sa Brgy. San Isidro, Brgys. 141, 142, 143 at 147 sa Taft Avenue, Pasay City.
(JAJA GARCIA)