Sunday , December 22 2024
Duterte CPP-NPA-NDF
Duterte CPP-NPA-NDF

GPH-NDFP peacetalks tuloy na

AARANGKADA muli ang peace talks ng gobyernong Duterte at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa susunod na buwan.

Ito ang napagkasunduan ng magkabilang panig sa dalawang araw na backchannel talks, na ginanap sa Utrecht, The Netherlands kahapon.

Sa joint statement na inilabas ng GPH-NDFP panel, nakasaad na ipagpapatuloy ang pormal na usapang pangkapayapaan at patitingkarin ang pagpapatupad ng mga naunang bilateral agreements, kasama ang The Hague Joint Declaration, Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG),  at ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).

Napagkasunduan din ang pagbabalangkas ng interim bilateral ceasefire agreement, na magiging epektibo makaraan mabuo ang terms of reference (TOR) at iba pang mga konsiderasyon, gaya ng mga naganap mula noong Agosto 2016 hanggang Pebrero 2017 habang umiiral ang unilateral ceasefire ng dalawang partido.

Ibabalik ng gobyerno at NDFP ang kani-kanilang unilateral ceasefire na ipatutupad bago ang nakatakdang fourth round of talks sa susunod na buwan, at kapag naipabatid na sa mga puwersa ng pamahalaan at rebelde.

Alinsunod sa pagbabalik ng bisa ng JASIG at upang matiyak na walang magiging hadlang sa partisipasyon ng 19 NDFP consultants at staff sa peace talks na pinalaya noong Agosto 2016, palalayain ng gobyerno ang “rearrested consultant” tiyakin ang kaligtasan at kalayaan ng lahat ng consultants, gayondin ang pagpapalawig ng bisa ng kanilang piyansa at iba pang legal na remedyo.

Itinakda ng magkabilang panig ang pagdeposito at pagpapatago nang binuo muling listahan at larawan ng NDFP consultants na may hawak ng safe conduct pass o saklaw ng JASIG sa 14 Marso 2017, at ang mga dagdag na patakaran hinggil sa kanilang dokumento.

Ang fourth round ng peace talks ay gaganapin sa unang linggo ng Abril, habang ang fifth round ay sa Hunyo 2017.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *