Saturday , November 16 2024

‘Pic-release’ bisyo ng OPS

BISYO na ito!

Ito ang madalas na nagiging biruan sa hanay ng mga mamamahayag sa Malacañang dahil sa tila kostumbreng batugan ng mga tanggapan na namamahala sa pagtatala ng mga aktibidad ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Kahapon, imbes pormal na press release, retrato ng appointment papers na itinalaga ng Pangulo si Court of Appeals Associate Justice Noel Tijam, bilang bagong associate justice ng Korte Suprema, ang nakarating sa mga miyembro ng Malacañang reporters.

Pinalitan ni Tijam ang nagretirong si Associate Justice Arturo Brion.

Pero hindi ang appointment ni Tijam ang naging tampok para sa mga mamamahayag na nagko-cover sa Palasyo kundi ang  kostumbre ng tanggapan ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, na maglabas sa media ng mga larawan ng appointment papers ng presidential appointees, imbes isang maayos at pormal na kalatas para ipabatid sa publiko ang mga kaganapan sa Malacañang.

Hindi lang ang appointment paper ni Tijam ang natanggap na retrato ng Palace reporters, kamakailan ay tinadtad ng tanggapan ni Abella ng retrato ng 22 apppointment papers, na nilagdaan ni Pangulong Duterte, ang electronic mail o Viber group ng mga mamamahayag ng Malacañang.

“Sa mga nakaraang administrasyon, pagkatapos ng presidential activity o matapos magtalaga ng bagong opisyal ang Pangulo, may kasunod agad na press statement mula sa Presidential News Desk, ngayon, puti na ang mga mata ng media , wala pa ang kalatas,” anang naghihimutok na Palace reporter.

Magugunitang inihiwalay ang Office of the Presidential Spokesperson mula sa Presidential Communications Operations Office (PCOO), sa isang memorandum na inilabas ni Communications Secretary Martin Andanar.

Hinihintay na lagdaan ni Pangulong Duterte ang isang executive order na magbabalik sa dating Office of the Press Secretary (OPS) sa PCOO.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *