MISTULANG ‘supot’ na kuwitis ang inaasahang pasabog ni self-confessed Davao Death Squad (DDS) hitman retired SPO3 Arturo Lascañas, nang humarap sa pagdinig ng Senado, nang sumablay ang kanyang mga pahayag sa realidad.
Parang pelikula na nag-first and last day showing ang pagharap ni Lascañas nang hindi na nagtakda ng kasunod na Senate Committee on Public Order hearing si Sen. Panfilo Lacson nang mahalata na hindi nagsa-sabi ng katotohanan ang retiradong pulis.
Ilan sa ipinunto ni Lacson ang pagkakaiba nang pahayag ni Lascañas sa kanyang press conference kamakailan sa mga sinabi kahapon sa Senado.
Gaya nang pagpatay umano ng DDS kasama si Lascañas, na sa presscon ay inamin ng pulis na nakaharap siya nang maganap ang krimen ngunit sa Senate hearing kahapon, nasa labas daw siya ng bahay ng biktima.
Lalong tumingkad ang pagsisinungaling ni Lascañas nang igiit ang naunang akusasyon ni self-confessed DDS Edgar Matobato na ipinapatay sa kanila ni noo’y Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang dance instructor na si Ruben Baguio, dahil niloko raw ang kapatid ng alkalde na si Jocelyn Duterte-Villarica.
Ani Lacson, kasalukuyang nagbibigay ng kanyang salaysay sa awtoridad ang buhay na buhay na si Baguio sa Davao City.
Sa panayam kay Jocelyn kahapon, hinamon niya si Sen. Antonio Trillanes IV, na magpunta sa Davao City, upang personal na imbestigahan at masaksihan na ang lahat nang pinagsasabi ng testigo ng senador ay kasinungalingan.
Ibinuko ni Sen. Tito Sotto, na ang affidavit ni Lascañas ay isinulat ng iba’t ibang tao dahil magkakaiba ang font.
“Parang cinopy (copy), pinaste (paste) from somewhere, (i)pinasok sa affidavit,” ani Sotto sa bahaging, “Origins of the Davao Death Squad” number 13 na sulat-kamay ng pulis.
“Kayo ba nag-prepare nito? Bakit iba font, iba size?” tanong ni Sotto kay Lascañas.
“Maybe it was the lawyer. Probably po,” pag-amin ng retiradong pulis.
Nauna nang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na pekeng testigo si Lascañas.
“It’s a fabrication. As pointed out by Sen. Lacson there is a contradiction between his statement in the press conference and in his affidavit executed the day before he made the press con. And he admitted that he had no personal know-ledge of the killings and that he was only assuming. This admission he also made upon questioning of Sen Cayetano. It is out of character for the President to order the killing of a woman, pregnant or not, and for that matter any person. He is outraged by any extrajudicial killing. Neither will he tolerate it. He abhors any violation of the Constitution or any law. Anything he does as President is pursuant to the constitutional duty of serving and protecting the people imposed on him by the basic charter,” ani Panelo.
ni ROSE NOVENARIO
Sa DDS operations
LASCAÑAS HINAMON
MAGLABAS NG EBIDENSIYA
HINAMON nina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Senadora Grace Poe si confessed Davao Death Squad (DDS) chief, at dating SPO3 Arturo Lascañas, na magpresinta ng mga ebidensiya at testigong magpapatunay ng kanyang panibagong rebelasyon, makaraan pasinungalingan ang lahat nang nauna niyang mga pahayag.
Magugunitang noong 3 Oktubre 2016, unang humarap si Lascañas sa pagdinig ng Senado, ukol sa isyu ng extra judicial killings (EJK), at kanyang pinabulaanan na mayroong DDS, at inutusan sila ni Pangulo at noo’y Davao Mayor Dutete na pumatay ng ilang indibidwal, lalo ang mga sangkot sa ilegal na droga at gawain.
Ayon kina Lacson at Poe, hindi maaaring basta na lamang nag-aakusa si Lascañas sa Pangulo o kaninoman, nang walang ano mang kalakip na ebidensiyang ipakikita, at walang sino mang testigong nagpapatunay sa kanyang testimonya.
Sa kanyang pagharap, mariing pinabulaanan ni Lascañas na may nag-utos at nagbayad sa kanya para siraan si Pangulong Duterte, at bawiin ang nauna niyang testimonya.
(NIÑO ACLAN)
LAUD QUARRY SITE
‘DI TAPUNAN
NG DDS VICTIMS
ITINANGGI na noon ni Bienvenido Laud, isang retiradong pulis, na ginawang tapunan o libi-ngan ng sinasabing mga biktima ng Davao Death Squad, ang kanyang quarry site sa Brgy. Ma-a sa Davao City.
Ito ang inihayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, dating abogado ni Laud.
Bagama’t may mga buto aniyang nahukay sa quarry site, hindi napatunayan kung ang mga labi ay buto ng tao o ha-yop.
Sinasabing naging li-bingan ang lugar ng mga namatay noong panahon ng Hapon, kaya hindi kataka-taka na may nahukay roong mga buto.
Ngunit paniwala ni Aguirre, hindi masasa-bing ebidensiya ang mga buto para patotohanan ang pamamayagpag ng DDS, at mga biktima nga ng nasabing hit squad ang mga butong natagpuan sa Laud quarry site.
(LEONARD BASILIO)