LIGTAS na nakauwi sa bansa ang walong Filipino nurse, makaraan bihagin ng mga teroristang Islamic State (ISIS) sa Libya.
Personal silang sinalubong ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kamakalawa ng gabi.
Ayon sa mga nurse, ginamit din silang tagapagturo ng medical training sa mga ISIS, para magbigay ng first aid sa kanilang mga kasamahan na nasugatan sa kasagsagan ng pakikipaglaban.