TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang banta o pagtatangka para pabagsakin o patalsikin si Pa-ngulong Rodrigo Duterte.
Nananatili pa rin ang posibilidad na maaaring magsagawa ng coup d’état laban sa pangulo bunsod ng kampanya kontra korupsiyon at droga na ipinapatupad sa buong ng da-ting alkalde ng Davao City.
Ito ang napagalaman ng Hataw sa mga nakalap na impormasyon mula sa ilang tagasuporta ng dating administrasyong Aquino na nagpaha-yag ng kanilang pagkadesmaya sa paglaganap ng patayan at karahasan sanhi ng tumataas na bilang ng extrajudicial killings, o EJK.
Nagsagawa kamakailan ng kilos protesta ang grupong ‘dilaw’ kasama ang Simbahan para kondenahin si Duterte sa mga pahayag nitong humihimok sa mga alagad ng batas at maging ang mamamayan na makilahok sa pagpatay ng mga taong sangkot sa krimen, partikular yaong may kinalaman sa kalakalan ng ilegal na droga.
Ngunit binabalewala ng AFP ang mga balitang magkakaroon ng coup dahil nananatiling tapat umano ang sandatahang lakas sa Saligang Batas kaya hindi dapat mag-alala ang taongbayan na ma-patatalsik ang punong ehekutibo ng militar.
Sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico, Malate, Maynila, ipinaliwanag ni AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla Jr., na matibay ang paniniwala at pagtitiwala ng mga sundalo sa sinseridad ng pangulo na magsilbi sa buo niyang makakaya para sa kapakanan ng sambayanan.
“Siya lang ang nakita na-ming commander-in-chief na talagang may concern sa bayan at sa mga sundalo,” punto ng heneral.
“Siya lang din ang bukod-tanging pangulo ng bansa na sinasadyang dumalaw sa mga nasugatan nating sundalo o nakikiramay sa mga namata-yan kahit alam nating sobrang hectic ng kanyang schedule bilang presidente,” dagdag nito.
Samantala, nagbigay ng katiyakan si Padilla sa ginagawa ng AFP para tugisin ang bandidong Abu Sayyaf, matapos pugutan ang isang German national na kanilang nabihag sa karagatan katimugang bahagi ng Filipinas.
“Nasa 500 sila at hindi magtatagal, mababawasan pa dahil patuloy ang programa sa modernisasyon ng AFP. Sa Mayo ay madadagdagan muli ang ating mga barko de giyera kapag nai-deliver ang isa pang Tarlac-class frigate mula sa Indonesia,” aniya.
Idiniin ng heneral ang kahalagahan ng karagdagan pang mga barko para makatulong sa pagpapatrolya sa karagatan hindi lamang laban sa Abu Sayyaf kundi maging sa mga dayuhang pirata na nanghihimasok sa ating teritoryo. (TRACY CABRERA)