Saturday , December 21 2024

Koalisyon ng NDFP at Duterte admin epektibo

WALANG kagyat na pangangailangan para ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan dahil maayos naman ang takbo ng gobyernong Duterte sa tulong ng tatlong miyembro ng gabinete na inirekomenda ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Sa press conference sa Malacañang kahapon, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang libong beses niyang pag-iisipan kung babalik sa hapag ng negosasyon ang gobyerno sa NDFP at kokonsultahin din niya ang mga makakaliwang miyembro ng gabinete.

“I will think about it. I will think…I will think a thousand times, then consult the Cabinet including the left leaning members of the Cabinet,” aniya.

“We are a Cabinet. We are a working government. And now we do — we can work well with each other. We’re all right and it’s best that we discuss it sometime, not now, about how to go — about this problem and how navigate again the stormy waters of our conflict,” anang Pangulo.

Kailangan aniyang manaig ang interes ng gobyerno sa peace talks.

“But government interest must prevail. Government interest must prevail,” dagdag niya.

Noong nakalipas na buwan, sinuspinde ni Pa-ngulong Duterte ang peace talks at ipinawalang-bisa ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) ilang araw matapos ihayag ng NDFP na ibabasura ang unilateral ceasefire bunsod ng mga pag-atake ng mi-litary sa kanilang teritoryo at pagkabigong palayain ang mga detenidong political.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *