HAHARAPIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tsuper at operator ng mga pampasaherong jeep, na naglunsad ng tigil-pasada nitong Lunes, bilang pagkondena sa planong modernisasyon sa mga pampublikong sasakyan.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nais mapakinggan ng Pangulo ang pagtutol ng mga jeepney driver sa panukalang modernisasyon sa mga pampublikong sasakyan o phaseout ng mga lumang modelo.
Sinabi ni Abella, nais ng Pangulo na marinig lahat ang boses ng iba’t ibang sektor ng lipunan para personal na mabatid ang kanilang mga hinaing lalo at may kinalaman ito sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Gayonman, sinabi ni Abella, wala pang itinatakdang petsa ang pag-pupulong.
Nauna nang nakausap ng Pangulo ang ilang labor groups at tinalakay ang mga posibleng solusyon para matuldukan ang problema sa contractualization o mas kilala bilang ENDO o end of contract.”
(ROSE NOVENARIO)