NAGBABALA si Pa-ngulong Rodrigo Duterte sa police scalawags, lalo na sa “ninja cops” o mga pulis na nagbebenta ng mga nakompiskang shabu, itutumba sila kapag itinuloy ang paggawa ng krimen ngayong wala na sila sa serbisyo.
Sa panayam kahapon sa Palasyo, sinabi ng Palasyo, maagang mabibiyuda ang asawa ng mga dating pulis na nasibak dahil sa paggawa ng krimen, dahil special target sila ng isang bagong tatag na squad na magmo-monitor ng kanilang aktibidad.
“And I want to warn them, I will not spare you. Mauuna talaga kayong mamatay. Kapag nagkamali kayo, mauuna talaga kayong mamatay. Sigurado iyan. Mabubiyuda talaga ang asawa mo. Huwag ninyong lokohin ang gobyerno. Do not even try. Do not even think about it, na akala ninyo wala na kayo sa trabaho so wala na iyong malaking pera na malaki, sasakay na naman kayo sa droga. Ah special target kayo. I’m warning the public especially the media right now, do not be surprised if they are killed one of these days—one by one,” aniya.
Inutusan ni Pangulong Duterte si PNP chief Director General Ronald dela Rosa, na isailalim sa summary dismissal proceedings ang scalawags na tumangging malipat sa Basilan, bunsod ng ulat na 53 sa 310 pulis ang hindi sumipot sa flight nila patungo sa naturang lalawigan.
”They should be subjected to summary dismissal, and I have requested the police to form particularly a squad at bantayan itong mga pulis na alis na sa trabaho. Most of them, iyong mga ninjas, kriminal, so they are high in the list. Do not be surprised if they are killed because they are wanted and so are the police who are dismissed for committing crimes,” anang Pangulo.
Ang pagpurga sa hanay ng pulisya ay makaraan dukutin, patayin at sunugin ng i-lang pulis sa loob ng Camp Crame si South Korean businessman Jee Ick Joo.
(ROSE NOVENARIO)