MAS gugustuhin ng publiko na nakapiit si Sen. Leila de Lima para pagbayaran ang kanyang kasalanan, kaysa makita siyang nakabulagtang bangkay.
Ito ang sinabi kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panayam ng media sa Malacañang, kasabay ng launching ceremony ng Philippine-manufactured Mirage G4 alinsunod sa Comprehesive Automotive Resurgence Strategy o CARS program ng pamahalaan.
Tiniyak ni Pangulong Duterte ang kaligtasan ni De Lima, na nahaharap sa kaso ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“I assure her she is safe. I think people are interested not to see her dead but to see her in pri-son for what she did,” anang Pangulo.
Nasa hurisdiksyon na aniya ng korte ang kasong kinakaharap ni De Lima, kaya ayaw na niyang magbigay ng opinyon.
“Wow I would not want to comment about that because I think the case has been filed a warrant has been issued and it is subjudice. I would not want to violate the standard operating procedure of court, we’re not supposed to be giving our opinion while the case is pending… the court has taken jurisdiction it is already the property of the court by virtue of warrant issued,” sagot ng Pangulo sa pahayag ng kampo ng senadora, na kawalan nang matibay na ebidensya.
Mensahe ng Pangulo sa senadora, magdasal upang lumabas ang katotohanan.
(ROSE NOVENARIO)