Thursday , December 19 2024

Protesta sa VP race tinanggap ng PET (Marcos camp nagpasalamat)

LALABAS ang katotohanan, pahayag ng abogado ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbog’ Marcos Jr., na si Atty. George Erwin Garcia bilang reaksiyon sa resolusyon ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa electoral protest laban sa pagkapanalo ni dating Camarines Sur representative Maria Leonor ‘Leni’ Robredo sa vice presidential race sa nakaraang halalan.

Ayon kay Garcia, hindi mismo kung sino ang nanalo sa eleksiyon ang usapin dito kundi para malaman ng sambayanan ang mga bagay na mali sa proseso ng ating halalan at maiwasto sa susunod na pagkakataong mabigyan ng oportunidad ang mga Pinoy na ihalal ang nararapat na mga taong manunungkulan bilang mga lider ng bansa.

“Mahalaga ang bahagi ng eleksiyon sa ating pag-unlad dahil ang ating mga lider ang bumabalangkas kung saan tutungo ang ating bayan. Kapag ‘bugok’ ang ating nahalal, tiyak na lalong mababalam ang paghango sa ating bansa mula sa kahirapan at korupsiyon,” paliwanag ng abogado sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico sa Malate, Maynila.

Una rito, nagpasalamat si Marcos Jr., sa desisyon ng PET na paboran ang kanyang protesta at panindigan ang hurisdiksyon nito na, aniya’y, magbibigay-daan para mabunyag ang katotohanan sa alegasyong nagkaroon ng pandaraya noong halalan ng 2016.

Sa counter-protest ni Robredo, sinabi ng pangalawang pangulo na ang Kongreso bilang National Board of canvassers ang nararapat na venue para sa protesta ni Marcos.

“We are hoping that with this resolution, there will be an end to all these delays and we can finally move forward. There is a need to ferret out the truth as to what really transpired during the vice presidential race last May,” wika ng isa pang abogado ni Marcos na si Atty. Victor Rodriguez.

“We just want the truth to come out. It’s that simple,” dagdag niya.

Ayon sa PET, may sapat na merito ang protesta ni Marcos sa opisyal na pahayag nito.

“The sufficiency of Marcos’ protest is “already beyond dispute.” It also said, however, that “the protest contained narrations of ultimate facts on the alleged irregularities and anomalies in the contested clustered precincts, which the protestant (Marcos) needs to prove in due time,” diin ng tribuna.

(TRACY CABRERA)

About Tracy Cabrera

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *