Saturday , November 16 2024

People power malabo (Para ipagtanggol si De Lima) — Esperon

 

NANINIWALA ang top spook ng bansa, na matalino ang mga Filipino, at hindi magpapagamit sa isang taong akusado sa drug trafficking.

Sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., sa panayam kamakalawa ng gabi, makaraan ang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Asian Development Bank (ADB), mas mataas ang pangarap ng mga Filipino para sa bansa kaysa malubog sa illegal drugs, kaya tiyak na hindi tatalima sa panawagan ni Sen. Leila de Lima, na magtipon-tipon para kampihan siya at labanan si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Let us see. Drug trading? You will use that? Dapat naman siguro ang Filipino mas mataas ang antas na pinapangarap kaysa doon sa drug trading. Narcotics? You will use that to serve as your defense?” ani Esperon.

Kailangan aniya na mula sa iba’t ibang sektor ang mga mamamayan, kailangan magkasundo sa layunin na mapabuti ang bansa kahit nagmula sa iba’t ibang sektor, at hindi para idepensa ang isang tao na may kasong kriminal.

“Huwag naman. Kahit na magkakaibang sector tayo, there must be a convergence point for the good of the nation. Why should a case of an individual be the convergence point? It should be nation-building,”

“Meron siguro silang gagawin. People power? To what? To defend one case? Hindi naman siguro ganoon kababaw ang mga Filipino,” dagdag niya.

Tiniyak ni Esperon, mino-monitor ng intelligence community ang ano mang ulat na may planong magpabagsak sa administrasyong Duterte.

“If ever there are, leave it to us. We’ll monitor it. We will be on top of the situation,” aniya.

“Depende naman kung iba na iyong galaw ‘e di siyempre, as the… the government… for one has to protect the interest of the Filipino and it has the interest of protecting himself,” wika ni ESperon.

(ROSE NOVENARIO)

PEOPLE POWER ‘DI UUBRA
NGAYON — LACSON

MALABONG mapatalsik si Pangulong Rodrigo Duterte, sa pamamagitan ng people power revolution.

Ito ang sinabi ng dating PNP chief at ngayon ay Sen. Panfilo Lacson, kasunod ng mga lumulutang na isyu ng impeachment, at sinasabing pagkilos ng ilang grupo.

“Malabo. Malabo at this point in time especially ngayong time na mataas ang trust rating ni PRRD (Pres. Rodrigo Roa Duterte), baka hindi umubra ang people power,” wika ni Lacson.

Una rito, walang na-monitor na maramihang pagkilos ang intelligence network ng gobyerno ukol sa mga ganitong plano.

Nag-ugat ito sa panawagan ni Sen. Leila de Lima sa pagkilos ng taongbayan, at pag-atras ng suporta ng cabinet members kay Pangulong Duterte.

“Kaya nagkaroon ng usapan na may possibility na may destab efforts, kasi paglabas ni Lascañas may calls for people power, for the Cabinet to withdraw support, tapos impeachment, may ganoon. So I don’t know what Malacañang has intelligence information pero from an ordinary observer, puwede mag-isip nang ganoon. Kasi ang mga events, nag… parang may life of its own, parang may dine-develop,” pahayag ni Lacson.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *