UMABOT sa P277 milyon ang ginatos ng pamahalaan sa pitong foreign trips ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, sa 12 bansa na binisita ng Pangulo, gumastos ang pamahalaan ng P277 milyon at nakakuha ang bansa ng 5.85 bilyong dolyar na foreign investment, at makalilikha nang mahigit 350,000 trabaho.
Pinakamalaki aniya ang nakuhang foreign investment ng pangulo sa pagbisita sa China at Japan.
Bukod sa dalawang bansa, binisita rin ng Pangulo ang Laos, Indonesia, Vietnam, Brunei, Thailand, Malaysia, Peru, New Zealand, Cambodia, at Singapore.
“These official trips are part of the President’s obligation to maintain and strengthen diplomatic ties with neighboring countries and has clinched numerous economic investments and commitments amounting to billions of dollars — to billions of pesos and generate thousands of jobs in the following years,” ani Abella.
(ROSE NOVENARIO)