Saturday , November 16 2024
Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. tours and introduced incoming PCOO Secretary Martin Andanar in Malacañang to the Malacañang Press Corps and other offices on June 6, 2016. Andanar is a TV5 newsman before he was appointed by President Elect Rodrigo Duterte. (photo by Richard V. Viñas)

Andanar resign — NUJP (Sa akusasyon sa Senate media)

DAPAT itikom ni Communications Secretary Martin Andanar ang kanyang bibig o magbitiw sa puwesto dahil sa labis na pag-abuso at tila hindi niya alam ang kanyang mga responsibilidad.

Ito ang pahayag kahapon ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa pag-akusa ni Andanar sa mga mamamahayag na nagtungo sa press conference sa Senado ni retired SPO3 Arturo Lascanas na binigyan ng hanggang $1,000.

Sa naturang pulong balitaan ay isiniwalat ni Lascanas, nang alkalde pa ng Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte ay iniutos ang mga patayan sa siyudad, kabilang ang pagpaslang sa mamamahayag na si Jun Pala.

“Earlier today, members of the Senate Press Corps covered a presscon where former policeman Arturo “Arthur” Lascañas claimed that then Mayor Duterte ordered killings, including that of journalist Jun Pala in 2003.

“Andanar said that reporters who were present in the said presscon were given as much as $1,000 each. Unless he can present credible proof to back up his claims, he should zip his mouth or better yet, step down for gross abuse of his office and ignorance of his responsibilities,” anang NUJP.

Anang NUJP, ang mga walang basehan na akusasyon ni Andanar ay panlihis sa mga kinakaharap na isyu at nakahihiya na ang mga pahayag ng Kalihim ay nagmula sa isang gaya niya na mula sa media.

“His baseless accusations are mere distractions from the immediate issue on hand. It is a disgrace that such statements could come from someone who used to work for the media and knows the integrity required by this profession,” sabi ng NUJP.

Hinimok ng NUJP ang mga mamamahayag na nagtungo sa press conference ni Lascanas na idemanda si Andanar dahil sa pagsira sa kanilang reputasyon at paglalagay sa kanila sa panganib sa panahon na uso ang “tokhang.”

“We encourage our colleagues present at the press conference, as well as the outfits they work for, to consult their counsel and take a legal action against Mr. Andanar for shamelessly besmirching their reputation, and in this age of tokhang, even putting their safety at risk.”

“We will support you all the way. Mr. Andanar is proof positive that his loss is no loss for media at all.”

(ROSE NOVENARIO)

LOW INTENSITY CONFLICT VS MEDIA
ESTRATEHIYA NG PALACE COMGROUP

KUNG dati’y sa counter-insurgency ginagamit ng gobyerno ang low intensity conflict, tila sa media ito ipinatutupad ng mga propagandista ng Palasyo.

Ito ang pahayag ng isang political observer, makaraan ihayag ng Pre-sidential Communications Operations Office (PCOO), ang planong pagbalangkas ng Social Media Policy kasabay nang sunod-sunod na pag-atake sa mainstream media.

Ang low intensity conflict (LIC) ay estratehi-yang ginamit ng militar noong rehimen ni dating Pangulong Corazon Aquino, na nag-armas ng anti-communist vigilante groups na responsable sa mga brutal na pag-atake sa mga mamamayan sa kanayunan, enforced disappearances at extrajudicial killings.

Binigyan-diin ng source, masyadong halata ang pagsira sa kredibilidad ng mainstream media ng ilang opisyal ng Malacañang, gaya nang sinabi ni Communications Secretary Martin Anda-nar, na nakatanggap siya ng impormasyon na may namudmod ng $1,000 sa mga dumalo sa press conference sa Senado ng isang retiradong pulis na nag-akusa kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang umano’y nasa likod ng Davao Death Squad (DDS).

Nauna aniya rito’y tahasan ang pagbatikos ng ilang opisyal ng Communications Group sa media, na mali ang pagbabalita sa mga talum-pati ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kapansin-pansin aniya ang pagkiling ng i-lang propagandista sa Palasyo sa pro-Duterte bloggers, at tila paggamit sa kanila bilang “attack dog” kapag may kritikal na ulat ang mainstream media sa mga pahayag ni Pangulong Duterte.

“Obvious na pinagsasabong ng mga propagandista ng gobyerno ang mainstream media at bloggers upang makontrol ang paglabas ng impormasyon na papabor sa administrasyon,” sabi ng source.

Ilang beses nang binastos ng pro-Duterte bloggers sa kanilang blog ang mga mamamahayag sa Malacañang at iba pang mula sa mainstream media, makaraan ang i-lang linggo ay abot-tenga ang ngiti at kakiskisang siko nila ang mga opisyal ng PCOO.

“Walang accountability o pananagutan ang isang blogger, maliban sa kanyang sarili o social media site kung saan inilalathala ang kanyang opinyon, hindi tulad ng mainstream media na ang tungkulin ay alinsunod sa pagiging miyembro ng fourth estate,” giit ng source.

Tinagurian na fourth estate ang media dahil sa mahalagang papel sa paghubog sa kurso ng politika at pamahalaan, at kinatawan ng demokrasya dahil binibigyan ng impormasyon ang mga mamamayan at nagsisilbing tulay ng publiko sa gobyerno.

“It (media) has been referred to as the fourth estate in relation to the other three traditional estates of the church, the nobility and the townsmen, or commoners. In 1841, Thomas Carlyle used the term to describe the reporters’ gallery in the English Parliament as a “Fourth Estate more important” than the other three estates represented there.”

Sa isang kalatas, tinawag na iresponsable ng mga reporter sa Senado si Andanar sa bintang sa kanila na tumanggap ng $1,000 kapalit nang pagdalo sa press conference ni retired SPO3 Arturo Lascanas.

“We, broadcast, online, and print journalists covering the Senate strongly protest the unsubstantiated and irresponsible claims made by Press Secretary Martin Andanar that reporters were given as much as $1,000 each to cover the press conference of alleged former Davao Death Squad leader Arthur Lascañas this morning. To our know-ledge, no such incident occurred. Such practice is not tolerated among Senate reporters,” anila.

(ROSE NOVENARIO)

Senate media kay Andanar
$1K PAYOFF PATUNAYAN

BINATIKOS ng ilang mamamahayag sa Senado ang naging irespon-sableng pahayag ni Secretary Martin Andanar  ng Presidential Communications Operations Office, na tumanggap ng $1,000 ang mga reporter na dumalo sa ipinatawag na press conference ni Senador Antonio Trillanes IV.

Sa isang collective statement, sinabi ng mga mamamahayag sa Senado, kinabibilangan ng broadcast, online, at print journalists, kanilang itinatanggi at kinokondena ang pahayag ni Secretary Andanar, na binigyan na tig $1,000 ang bawat reporter na dumalo sa press conference ni dating Davao Death Squad (DDS) member SPO3 Arthur Lascañas.

Aniya hindi ipinaiiral ng mga mamamahayag ang suhulan sa Senado at hindi kailanman na kinukunsinti ang ganitong uri ng gawain.

Kasabay nito, hinamon ng mga mamamahayag ng Senado si Secretary Andanar, na patunayan ang kanyang alegasyon laban sa Senate media, idiniing nasisira ang kanilang reputasyon sa mga maling akusas-yon ng kalihim.

(CYNTHIA MARTIN/NINO ACLAN)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *