TIAONG, Quezon –Patay ang isang vendor makaraan paputukan ng hindi nakilalang suspek sa Brgy. Lusacan, ng bayang ito kamaka-lawa.
Agad binawian ng buhay si Isola Amore Su-mague, 57, biyudo, residente ng naturang lugar.
Sa ipinadalang report ng Tiaong PNP, sa Camp Guillemo Nakar, sa tanggapan ni Senior Supt. Roderick Armamento, Quezon PNP provincial director, dakong 7:30 pm, habang naglalakad ang biktima nang biglang sumulpot ang hindi nakilalang suspek at siya ay pinagbabaril.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. (RAFFY SARNATE)