Monday , November 18 2024

Feeling adonis!

Hahahahahahahah! Nakatatawa naman ang foreign actor na hindi naman nai-in love sa mga babaeng nakarelasyon at feeling niya’y he’s God’s gift to women and hard to resist ang kanyang manly appeal. Hahahahahahahahahaha!

Oo nga’t may dating naman siya pero hindi naman siya outright enthralling handsome and gorgeous.

Ang nakatatawa pa, the very moment he would bring his girlfriend at the moment in his native land, offline na sila pagbalik sa Pinas.

Why is that so? Hahahahahahahahaha!

Parang may natutuklasan ang kanyang mga girlfriends the very moment they would join him in his homeland that the effect is that they are inordinately repulsed the moment they’re back in our country.

Por que senorito? Hahahahahahahahaha!

Pa’no ginagawa niyang señorita de abono y paragastos ang mga chicks niya.

Pinamimili niya nang husto ang mga relatives niya roon kaya ang ending, nato-trauma ang mga chicks niyang dinadala roon. Hahahahaha!

Akala naman daw kasi ng lalaki ay patay-dampot na sa kanya ang mga chicks to the point that they would allow themselves to be his sugar mommy for life.

Oh, my God! Hahahahahahahahahahaha!

Ang nakatatawa, akala naman daw ng ombre na ay que largo grande ang kanyang equipment gayong more than regular lang naman at the most at ang attraction ang makapal na balahibong nakabalot sa kanyang notrilya. Hakhakhakhakhakhakhakhak!

Ang ‘di niya alam, di naman naa-attract doon ang mga chick kundi sa kanyang over-all personality na kunwa-kunwari’y mabait at gentleman pero numero unong mando pala as in totally mandurugas. Hahahahahahahahahaha!

Kapag nakasama mo na raw ang ombre, doon lang malalamang numero unong tamad.

Imagine, he can afford to sleep the whole day without eating. Numero unong batugan talaga ever.

Kaya kapag live-in na kayo, wala nang loving-loving at kadalasa’y natutulog ang ombre.

How gross! Hahahahahahahahaha

ALJUR EXPLAINS

Nabigla yata si Aljur Abrenica sa medyo mataray niyang kasagutan tungkol sa pakikialam daw ng mga netizens sa personal life nila ni Kyle kaya medyo naging maangas at mayabang ang kanyang kasagutan.

Kaugnay ito ng exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na sina Aljur and Kylie openly talked about their engagement and Kylie’s pregnancy.

“@ajabrenica please take care of @kylienicolepadilla we love her. And Ang yabang mo ru’n sa interview wala lang just sayin’ say ng isang netizen.

Still another one comments: “Sweet nmn! Just b strong aljur ang yabang nga ng dating mo run sa interview. Pero bumabawi k naman”

Base ito sa thread ng comments sa ibinahagi ni Aljur na Instagram post na may petsang January 30.

Obviously ay nakarating kay Aljur ang feedbacks ng netizens kaya he justified his actuations.

Depensa niya sa kanyang sarili: “@ghielle05 @imyourangel22 Sorry for being human. Nafrustrate, napagod at nasasaktan lang po. Higit sa lahat, nag-aalala lang sa taong Mahal ko.”

Anyway, hindi pinin-point ng mga netizen kung ano ang offensive ways ni Aljur.

Anyhow, nabatikos si Aljur magmula nang ipahayag niya ang feeling na nagagamit supposedly ang pregnancy ni Kylie sa promo ng Encantadia.

Hindi rin nagustuhan ng netizens ang very vocal na pahayag ni Aljur tungkol sa ill-feelings niya sa Vidanes Celebrity Marketing, na inunahan pa raw sila at mas nauna pang nagbigay ng announcement tungkol sa engagement nilang dalawa.

PINAKAMABAIT NA KAPUSO!

Okay naman ang mga GMA artists. Magagalang naman sila at may breeding pero kadalasa’y sa presscon lang nangyayari ito. Sa presscon lang daw magagalang, o! Hahahahahahahahaha!

Pero off cam, deadma ang nakararami sa kanila at parang oozing with bravura.

Oozing with bravura raw, o! Hahahahahahahahaha!

Korek!

Isa na riyan ang lead actor ng isang soap na ipalalabas pa lang.

Kung ano ang ganda ng PR ng kanyang leading-lady, siya namang pagkadeadmaero niya.

Hello! Kaya hindi ka sumisikat nang husto amigo dahil kulang ka sa PR.

Pero ibang-iba ang PR at ganda ng pakikisama nitong si Ken Chan.

Kahit saan namin siya makita, mapa-presscon o kung saan man, hinding-hindi nagbabago ang ganda ng kanyang pakikisama. ‘Di tulad ng iba riyan na mga feelingero’t feelingera. Hahahahahahahahaha!

Given the chance, I strongly believe that Ken has the makings of a real actor. Mahusay siyang umarte at ‘di deadmaero na tulad ng iba riyan.

Dito na lang sa Meant to Be ay nangingibabaw ang husay niyang umarte compared sa iba niyang kasama.

Suffice to say, bagay na bagay sila ni Barbie Forteza.

Anyhow, I wish him all the luck in the world. Napakabait niyang tao at nararapat lang na siya’y suwertehin.

PINAG-UUSAPAN NA!

Talk of the town na ang balitang si Yassi Pressman na ang gaganap na Darna. Mukhang credible nga ang balitang nakuha namin sa internet na nakalagay nang kompleto ang iba pang gaganap. Notably, si Ellen Adarna ang Babaeng Impakta, si Isabelle Daza ang Babaeng Manananggal, si Arci Muñoz bilang Valentina, Arjo Atayde in the role of Darna’s leading man and Yassi Pressman in the role of the millennium Darna.

Bagama’t medyo slim na si Angel Locsin, parang nagbago na ang kanyang body contour at hindi na nababagay bilang Darna.

In stark contrast, bagay na bagay talaga kay Yassi Pressman ang Darna role dahil she has the advantage of youth unlike Angel who’s more than thirty already and a bit heavy in the waistline.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *