Saturday , November 16 2024

Lopez nanindigan laban sa 23 minahang ipinasara (Digong naiipit sa banggaan ng Gabinete)

DESIDIDO si Environment Secretary Gina Lopez na ipatigil ang Tampakan mining operations, kahit masagasaan ang interes ng promotor ng proyekto na “best friend forever” (BFF) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa press briefing kahapon sa Palasyo, itinanggi ni Lopez ang pahayag ng Department of Finance (DoF), na walang basbas ni Pangulong Duterte, ang pasya niyang ipasara ang 23 mining sites sa buong bansa.

“What happened there [during the DENR’s decision-making process] was they want to make sure that I followed rule of law and I did,” ani Lopez.

Giit ni Lopez, kaya niya ipinasara ang 23 mining firms dahil ‘ginahasa’ ang kalikasan, at pinagkaitan ang mga mamamayan, lalo ang mga katutubo, ng “social justice.”

Aniya, si Pangulong Duterte ang huling magdedesisyon kung papayagan o ibabasura ang mga rekomendasyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“Now, if they don’t agree and I think they don’t agree, is that they will appeal. So when they appeal to the President, the mine still continues operation while it’s on appeal,” dagdag niya.

Ang ipinasara ni Lopez ang Tampakan mine operations, sumasakop sa South Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat, at Davao del Sur, proyektong inilunsad ng Sagittarius Mining Inc. (SMI), kompanyang ang isa sa mga may-ari ay si Finance Secretary Carlos Dominguez, kababata at BFF ni Duterte.

Ipinaliwanag ni Lopez, ang kabuuang sukat ng open mining pit sa Tampakan ay katumbas ng 700 football fields, at mayaman sa copper at gold ore deposits.

Tinatayang gagastos ang SMI ng $5.9 bilyon upang hukayin ang lugar, itinuturing na pinakamalaking virgin natural resources sa Timog Silangang Asya, upang makapag-supply ng 11.6 milyon toneleda ng copper, at 14.6 milyon ounces ng gold.

Ilang oras bago ginanap ang press briefing ni Lopez sa Palasyo, binatikos siya sa kalatas ng DoF, dahil ang desisyon niyang ipasara ang 23 mining operations ay “triggered outrage in communities hosting mining sites, as some 195,000 direct and indirect workers and their families, or a total of some 1.2 million people, would be adversely affected by the closure and suspensions of the mine sites.”

Inakusahan ng DoF si Lopez, na pinagbawalan ang mga miyembro ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) team, na nagsagawa ng mines audit, at ang panel na nagrepaso ng findings nito, na pagkakait ng due process.

“Malacañang has swiftly moved to calm fears of massive layoffs in communities affected by Lopez’s sudden move to close down or suspend mining operations… Several Cabinet officials expressed concern over the detrimental impact of her decision, which she had apparently kept to herself,”  ayon sa DoF statement.

(ROSE NOVENARIO)

CLOSURE, SUSPENSION
ORDERS VS MINAHAN
IPINATIGIL NG PALASYO

IPINATIGIL muna ng Palasyo, at ng Gabinete ang closure at suspension orders, ipinatupad ni Environment Secretary Gina Lopez, laban sa mga minahan sa bansa, sinasabing nakasisira ng kalikasan, at kakapiranggot ang naiambag sa kabangbayan.

Sa pahayag ng Department of Finance nitong Huwebes, pag-aaralan muna ng pambansang pamahalaan ang pasya ng kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sinisiguro lamang anila ng pamahalaan ang “due process” sa pagpapasara sa halos 30 minahan, na sinasabing hindi nakasunod sa mga patakaran sa pagmimina, batay sa mining audit na isinagawa ng DENR.

“Members of the Cabinet have expressed their full support behind President Duterte’s decision to observe due process before implementing a directive of the DENR to shut down or suspend 28 mining sites across the country,” pahayag ng DoF.

Inianunsyo ni Secretary Lopez noong 2 Pebrero, ang resulta ng mining audit, nagpapakitang mahigit sa kalahati ng bilang ng mga malalaking minahan sa bansa, ay bumagsak sa patakaran ng DENR.

Agad nakialam ang Palasyo dahil sa rami ng mga maggagawang apektado ng hakbang ng DENR.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *