Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

5 sugatan sa warehouse fire sa pasay

LIMA ang sugatan, kabilang ang dalawang bombero, nang masunog ang isang 4-palapag na bodega sa Arnaiz Avenue, Brgy. 108, Pasay City, nitong Miyerkoles.

Dakong 6:00 pm nang sumiklab ang sunog sa gusaling pag-aari ng Ramish Trading Corporation, ginagamit bilang warehouse ng mga gamit sa bahay.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, pahirapan ang pag-apula ng apoy, dahil maraming gamit sa ikatlo at ika-apat palapag, na pawang yari sa plastic.

Patuloy itong nagliyab kahit ginamitan na ng kemikal.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog, bago ito nakontrol dakong 11:30 pm, ayon kay Pasay City Fire Marshal, Supt. Carlos Dueñas .

Iniimbestigahan pa ng BFP ang sanhi ng sunog, tumupok sa P500,000 halaga ng mga ari-arian.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …