Monday , May 5 2025

Digong umamin: Sa 5 salita tanging 2 ang tama

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na dalawa sa lima niyang pahayag ay hindi totoo at kalokohan lang pero para sa kanya ang media ay “dishonest.”

Sa kanyang talumpati sa ika-115 anibersaryo ng Burea of Customs (BOC) kahapon ay sinabi ng Pangulo na mahilig siyang magpatawa at hindi lang sanay ang media sa kanyang karakter kaya lahat nang lumalabas sa kanyang bibig ay pinapatulan.

“There is nothing wrong with it and if you say that God said that, well, nagloloko lang talaga ako. But you know these media people, they are not really attuned to my character,” aniya.

“E sa limang salita, dalawa lang ‘yung tama niyan, ‘yung tatlo puro kalokohan ‘yan. And so I’m just fond of doing it. Gusto ko lang tumawa. Well, at the expense also of myself sometimes,” dagdag niya.

Matatandaan, pagbalik sa bansa mula sa state visit sa Japan noong Oktubre 2016 ay sinabi ng Pangulo na habang nagbibiyahe pauwi ay nakausap niya ang Diyos at nangako siya na hindi na magmumura dahil natakot siya sa bantang pababagsakin ang eroplano.

Matapos ang ilang araw ay sinabing biro lang ito.

Sa kanyang speech sa National Housing Authority (NHA) kahapon, ay binatikos niya ang media at inayudahan ang pagtawag na ‘dishonest’ ni US President Donald Trump sa fourth estate.

Naghinanakit si Duterte sa ulat ng media sa alegasyon ni Sen. Antonio Trillanes IV na may mahigit P200 milyon siya sa kanyang bank account noong panahon ng eleksiyon na hindi naman aniya napatunayan.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

3RDEY3 AI

Prediction ng AI: Abby Binay, puwedeng malaglag sa Magic 12

KUNG pagbabatayan ang pag-aanalisa ng artificial intelligence ng 3RDEY3 (@3RD_AI_) na naka-post sa X, may …

Comelec Vote Buying

2 kapitan umangal sa vote buying vs Cong sa Aklan

IBINULGAR ng dalawang barangay chairman na nagsampa ng disqualification case laban kay Aklan 2nd District …

Move it

TWG sa Move It: Itigil operasyon sa Cebu at CdO

PINATAWAN ng Motorcycle Taxi Technical Working Group (MC Taxi TWG) ng parusa ang Move It …

Sulong Malabon

Sulong Malabon movement todo suporta sa kandidatura ni mayor Jaye Lacson-Noel at congressman Lenlen Oreta

TAHASANG nagpahayag ng suporta ang multi-sectoral movement na Sulong Malabon sa tambalan nina Congresswoman Jaye …

Comelec Money Pangasinan 6th District

Sa Distrito 6 ng Pangasinan
Rep. Marlyn Primicias-Agabas nagreklamo sa COMELEC at PNP vs malawakang vote buying

NAGHAIN ng dalawang magkahiwalay na liham si Representative Marlyn Primicias-Agabas ng Distrito 6 ng Pangasinan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *