Saturday , November 16 2024

Bello, Dureza dapat pabalikin si Digong sa peace talks — Satur Ocampo

020917 kapihan satur albayalde
MAINIT ang naging talakayan kahapon sa Kapihan sa Manila Bay news forum sa paghaharap nina dating Bayan Muna party-list Rep. Satur Ocampo at NCRPO chief. Gen. Oscar Agbayalde sa isyu ng internal cleansing sa hanay ng Philippine National Police (PNP) at ang epekto ng ibinasurang JASIG sa mga miyembro ng peace panel ng National Democratic Front (NDF) at Communist Party of the Philippines (CPP). (BONG SON)

DAPAT personal na hikayatin nina Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza at government peace panel chief Silvestre Bello III si Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang peace talks sa kilusang komunista.

Ito ang pahayag ni dating Bayan Muna party-list representative Satur Ocampo sa Kapihan sa Manila Bay news forum kahapon sa Café Adriatico, Malate, Maynila.

Nanghinayang si Ocampo kung mapupunta sa wala ang mga pinagsumikapan ng magkabilang panig na umabot sa yugtong abanse at marami nang nakamit.

Dapat aniyang iwasan ng Pangulo ang pabigla-biglang pagpapasya at pagpapakawala ng maanghang na salita na taliwas sa mga nauna niyang pahayag.

Hindi aniya kinonsulta ni Duterte sina Dureza at Bello bago kinansela ang peace talks at ipinawalang bisa ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).

Giit ni Ocampo, 30 araw pa magiging epektibo ang pagbasura sa JASIG mula nang matanggap ng NDFP ang notice of termination mula sa gobyerno at hindi ora-orada gaya ng kursunada ni Duterte.

Kaugnay nito, inilinaw ni Bello na hindi pa bubuwagin ang government peace panel kasunod nang pagkansela sa peace talks.

Binigyan-diin ni Bello na hindi lang negosasyon sa mga lider-komunista ang papel ng government peace panel kundi bigyan solusyon ang internal conflict,  isulong ang poverty alleviation, pakinggan ang mga hinaing ng tao at himukin ang mga rebelde na magbalik-loob sa gobyerno.

(ROSE NOVENARIO)

LAWFUL ORDER NG PANGULO
SUSUNDIN NG NCRPO

TINIYAK ni Chief Supt. Oscar Albayalde, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) walang pasubaling susundin nila ang lahat ng kautusan o lawful order ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Ito ang sinabi ni Albayalde sa kanyang pagdalo sa Kapihan sa Manila Bay, sa Café Adriatico, Malate Maynila bilang tugon sa umiinit na usapin na pagdakip sa mga consultant at miyembro ng Communist Party of the Philippined (CPP), New People’s Army (NPA) at National Democratic Font (NDF) kasunod ng pagtalikod ng Pangulo sa peace negotiations at pagbasura sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).

Aniya kung may kautusan na silbihan ng warrant of arrest ang NDF consultants na kasama sa peace panel ay hindi sila mag-aatubili sa pag-aresto.

Inihalimbawa ni Albayalde ang pagkakadakip kay NDF consultant Ariel Arbitrario, nitong Lunes sa Davao City bago ibasura ang JASIG ngunit kinansela dahil sa pagpaslang umano ng mga miyembro ng NPA sa  tatlong sundalo na tahasang paglabag sa unilateral ceasefire.

(LEONARD BASILIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *