Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

3 holdaper todas sa enkwentro sa Makati

PATAY ang tatlong hinihinalang mga miyembro ng Brondial robbery holdup group, makaraan makipagbarilan sa mga awtoridad, sa follow-up operation sa serye ng pagholdap sa lungsod ng Makati, kahapon ng madaling araw.

Wala nang buhay nang idating sa Ospital ng Makati ang mga suspek na sina Jason Brondial, lider ng grupo; Noel Fajardo, at Donald Bacsal, pawang ng Pasay City.

Base sa ulat kay Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Tomas Apolinaro, Jr., naganap ang enkuwentro sa panulukan ng Chino Roces Avenue at Metropolitan Avenue, Brgy. San Antonio Village, Makati City, dakong 12:45 am.

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang Makati City Police, kaugnay sa tatlong lalaking lulan ng motorsiklo, na responsable sa holdap ng mga pasahero sa bus stop sa Buendia-EDSA.

Agad naglatag ng operasyon ang mga awtoridad at nang mamataan ang mga suspek ay hinabol at pinasusuko.

Ngunit nakipagpalitan ng putok ang mga suspek sa mga pulis na nagresulta sa kanilang pagkamatay.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …