Monday , April 28 2025

Sa one text away ni Kris kay Digong, PNoy hindi na ipakukulong

MUKHANG magiging mailap ang inaasam na katarungan ng mga naulila ng 44 Special Action Force (SAF) commandos dahil sa isang text ni Queen of All Media at dating presidential sister Kris Aquino kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Sa kanyang talumpati sa Bureau of Internal Revenue (BIR) Large Taxpayers Service Tax Campaign Kick Off sa Reception Hall sa PICC, Pasay City kahapon, isiniwalat ni Pangulong Duterte na nakatanggap siya ng text kay Kris na humirit na huwag ipakulong ang kanyang kapatid na si dating pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa pagkamatay ng SAFF 44 sa Mamasapano carnage noong Enero 2015.

Sinabi ni Duterte na sinagot niya ang text ni Kris na hindi niya ugali ang magpabilanggo ng kalaban sa politika, ang nais lang niya ay malaman ang katotohanan.

Hindi rin itutuloy ni Pangulong Duterte ang balak na pagtatatag ng SAF 44 Truth Commission dahil may nakabinbin na kaso sa Ombudsman at ayaw niyang magkaroon ng kaaway kaya’t hihintayin na lang niya ang resulta ng imbestigasyon ng anti-graft  investigating body.

“Si Kris nag-text. ‘Wag mo namang ipakulong si … sabi ko, no Kris, I am not out to find… I just want to know the truth… Bakit ni isa walang pumunta doon? ‘Yun lang… almost one day of fighting… hindi ko itatanong sinong mali, sinong nakatanggap ng… and I am not going ahead with the creation of the commission because apparently the Ombudsman has said its still pending before them. So I do not want to have a multiple incongruity especially if one body… fight with the other. Hintayin ko na lang. There are so many things to be answered… single solitary answer bakit ‘di gumamit ng air assets? Wala na akong ibang interest doon,” anang Pangulo.

“Wala akong… ipakulong ko ‘yung dati. I am not into the habit of sending to prison guys on the other side of the political fence or whatever. I just want to… Filipinos,” giit ng Pangulo.

Matatandaan, sa ikalawang anibersaryo ng Mamasapano carnage nitong 23 Enero ay hinarap ni Pangulong Duterte sa Palasyo ang mga pamilyang naulila ng SAF 44 at direktang inakusahan si PNoy na nakipagsabwatan sa Central Intelligence Agency (CIA) para isoga ang mga operatiba ng Special Action Force (SAF)  sa operasyon laban kay international terrorist Zulkifli Bin Hin alyas Marwan at nagresulta sa pagkamatay ng 44 SAF commandos noong 25 Enero 2015.

“Let it be brought to the open. It was an American adventure with the cooperation of some and apparently with your blessing. Sinabi mo, pawis na pawis ka sa TV and you were so stressed and you said, ‘kasalanan ko ‘yan.’ But it is not enough.Sabihin mo sa Filipino, sabihin mo sa akin kung paano ka nagkasala? At anong ginawa ninyo bakit you fed the soldiers to the lion’s den, to be eaten by death?” ani Pangulong  Duterte sa kanyang talumpati sa Dialogue with the SAF 44 Families sa Palasyo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Aiko Melendez

Aiko umalma pinagbintangan sa baklas tarpaulin ng isang kongresista

MA at PAni Rommel Placente PINARARATANGAN sI Aiko Melendez na siya ang nag-uutos na baklasin ang mga …

Pope Francis Tacloban

Banal na Misa idinaos sa Tacloban airport bilang parangal sa Prelado  
HIGIT PA SA PAG-ASA INIHANDOG NI POPE FRANCIS SA MGA PINOY

TACLOBAN CITY – Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Sabado ng hapon ang …

TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

Para sa paglikha ng trabaho
TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

BUONG suporta ang ipinahayag ng TRABAHO Partylist sa Build Better More (BBM) infrastructure program ni …

Comelec Money Batangas

P273-M ayuda ng Batangas ipinahinto ng Comelec

IPINAHINTO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng iba’t ibang financial assistance na umaabot …

Vote Buying

Moreno, Versoza, 7 pa, pinagpapaliwanag ng Comelec sa ‘pagbili’ ng boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) sina Manila mayoral candidates Francisco “Isko Moreno” Domagoso at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *