Saturday , November 16 2024

Duterte napundi CPP top honchos ibabalik sa hoyo (Peace talks tinuldukan)

020717_FRONT

HALOS dalawang buwan mula nang ipangalandakan na nakahanda ang mga komunista na mag-alay ng buhay para manatili siya sa poder, nag-iba ang ihip ng hangin, inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tugisin, arestohin at ibalik sa kulungan ang 17 lider-komunista dahil tinuldukan na niya ang peace talks.

“The Reds would never demand my ouster. They will die for me, believe me,” ani Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Wallace Business Forum Dinner noong 13 Disyembre 2016.

Sa kanyang talumpati sa programa ng Presidential Security Group (PSG) na Hardin ng Lunas sa PASG Compound, Otis, Paco, Maynila kahapon, sinabi ng Pangulo na nagbigay na siya ng direktiba sa mga pulis at sundalo na arestohin muli ang mga bumubuo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) panel na political detainees na pansamatalang nakalalaya at isadlak ulit sa bilangguan.

Giit ng Pangulo, ayaw niya nang niloloko siya, tinutukoy ang pagpaslang sa mga sundalo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang umiiral ang unilateral ceasefire.

“Start to look for them. I will order the military and police to arrest them. I have decided to scrap it entirely, since they were released on condition that they would participate in the talks in Oslo and since it has been entirely scrapped, I’ll just give them a few days, if they come back they will be rearrested. Ayaw ko nang niloloko ako. Start to look for them ,” aniya.

Hindi aniya kailangan abisohan ng kanyang gobyerno ang NDFP panel na kinansela na niya ang peace talks taliwas sa sinabi ni NDFP chief negotiator Fidel Agcaoili na dapat magbigay ng notice ang gobyerno sa kanila.

“I am not his client I do not take orders from anybody,” ani Duterte hinggil sa pahayag ni Agcaoili..

“I tried my best to make peace with everybody. There’s a looming danger with ISIS. Ito namang mga komunista, hindi ko gustong… they’re spoiled brats. Akala mo sila ‘yung nasa gobyerno kung mag-make ng demands. Kaya ako, pinatay nila ‘yung during… sabi nila February 10, wala pang February 10 pinagpapatay na nila mga sundalo ko pati mga pulis, anak ng P***… giyera tayo. Then peace is not possible during our generation. I’m sorry. I’m not about to talk to them again. Kasi ni-release ko na lahat ‘e. Ni-release ko na lahat ‘yung leaders nila to enable them to go to Oslo,” dagdag niya.

“Ni-release ko na ‘yung Tiamzons, ‘yung mga ideologue. Ngayon from six, pumunta ng 18, ngayon gusto nila 400. ‘Di mag-surrender na lang ako. Kayo na sa Malacañang. 400, that is only given after a successfull talk or talks then you grant amnesty. You do not, may kasalanan ‘yan. This is the Republic of the Philippines. Sabi nila na exempted sila. Once they arrive here, I alerted everybody, pati ‘yung Immigration, they will be arrested and they should go back to prison. Magtanim na lang sila ng duma, turuan na magtanim ng…” sabi ng Pangulo.

Kahapon ay inaresto ng Task Force Davao sina Ariel Arbitrario, NDFP consultant sa southern Mindanao, at isang Roderick Mamuyac, umano’y liason officer ng NPA Southern Regional Committee.

REJECTION
IBINASURA
NG CPP-NDF

IBINASURA ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinapos na ang negosasyong pangkapayapaan ng Government of Republic of the Philippines (GRP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at pagbuwag sa negotiating panle.

“The Communist Party of the Philippines (CPP) joins the Filipino people in rejecting the declaration the other night of GRP President Rodrigo Duterte that he will terminate peace negotiations between the GRP and the National Democratic Front of the Philippines (NDFP) and that he is dissolving his negotiating panel,” anang CPP sa isang kalatas kahapon.

Ayon sa CPP, itinuturing ng partido na umiiral pa rin ang GRP-NDFP negotiations dahil wala pang natatanggap na “formal notice of termination” mula sa gobyerno at umaasang matutuloy ang nakatakdang usapan sa 22-24 Pebrero at 2-6 Abril 2017.

“The Party assails Duterte’s threats to order the cancellation of passports of NDFP negotiators and consultants as well as their rearrest and detention without bail. If carried out, these shall be considered as gross acts of treachery and grave violations of the Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG). The JASIG was reaffirmed by the Duterte regime and the NDFP just a few months ago. It guarantees non-reprisal against each other’s peace personnel,” sabi ng CPP.

Nakadedesmaya, anang CPP, ang pagpapakita ni Duterte ng interes sa peace negotiations sa NDFP habang nagagamit ito para pahupain ang armadong pakikibaka upang mapilitan ang rebolusyonaryong puwersa na tanggapin ang pinalawig na ceasefire na walang mapapala ang taongbayan.

Magbibigay lang aniya ito ng oportunidad sa militar na magsagawa nang pang-aabuso laban sa mamamayan sa kanayunan.

Lumalabas na ang militar ang pinakamalaking hadlang sa pagpapalaya sa mga detenidong politikal, anang CPP.

“Apparently, the biggest stumbling block to the release of political prisoners is the AFP. In declaring he will not release all political prisoners, Duterte says he must also listen to the military, even if this means turning a deaf ear to the people’s cry for justice. It has become quite clear that Duterte, who relies on the support of the AFP for his political survival, now favors the military and police more than the people.”

(ROSE NOVENARIO)

Insidente imbestigahan
76 BALA SA 3 SUNDALO
MILITARY SCENARIO
— LUIS JALANDONI

RUBOUT at hindi enkuwentro sa mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ang sanhi nang pagkamatay ng tatlong sundalo sa Bukidnon kamakailan.

Ayon kay National Democratic Front of the Philippines (NDFP) senior adviser Luis Jalandoni sa panayam ng Unang Balita sa GMA-7 kahapon, hindi gawain ng NPA na mag-aksaya ng bala para paslangin ang kaaway at hindi rin estilo ng mga rebelde na basta na lang tambangan ang militar nang walang mabigat na dahilan.

“Maaaring military din po ang bumaril ng maraming bala sa kanila… Maaaring rubout din iyan na nanggaling sa AFP (Armed Forces of the Philippines) din ho para ibintang sa NPA (New People’s Army),” ayon kay Luis Jalandoni, senior adviser ng NDFP negotiating panel sa Unang Balita ng GMA-7.

Base sa report ng militar, ipinahinto ng mga rebelede ang motorsiklo na sakay ang tatlong sundalo sa Barangay Kibalabag sa Malaybalay, Bukidnon noong 2 Pebrero.

Natagpuan kalaunan ang bangkay ng mga sundalo na tadtad ng 76 tama ng bala.

Hinimok ni dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo ang Joint Monitoring Committee ng NDF at gobyerno na imbestigahan ang insidente dahil posibleng hindi NPA ang pumaslang sa tatlong sundalo.

Ang insidente ang ginawang dahilan ni Pangulong Rodrigo Duterte para kanselahin ang peace talks at ipinaaaresto ang NDF consultants na pansamantalang pinalaya para lumahok sa usapang pangkapayapaan.

Sinisi ng Communist Party of the Philippines (CPP) si Duterte at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa utos ng opensibang militar na nagresulta sa pagkamatay ng anim na sundalo sa nakalipas na mga araw.

“In declaring his intention to pull out from the GRP-NDFP negotiations, Duterte echoed the exaggerated anger of the AFP over the outbreak of successive armed skirmishes between the New People’s Army and the AFP resulting in the death of six AFP troops since the end of January,” anang CPP sa kalatas.

Inakusahan ng CPP ang AFP nang pagkakasa ng isang scenario na magpupuwersa para tapusin ng magkabilang panig ang idineklarang ceasefire.

(ROSE NOVENARIO)

PANAWAGAN KAY DIGONG,
PEACE TALKS SA NDFP ITULOY

NANANAWAGAN si Senador Francis “Kiko” Pangilinan kay Pangulong Rodrigo Duterte, na ipagpatuloy ang usaping pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF.

Kasunod nito, hiling ng senador na huwag sanang talikuran ang nasimulan nang usapang pangkapayapaan ng gobyerno at rebeldeng komunista.

Paliwanag ni Pangilinan, sadyang masalimuot, mabalakid, at maraming komplikasyon ang proseso tungo sa kapayapaan, ngunit kailangan itong gawin, at pagtiyagaan hanggang sa makamit ang tunay na kapayapaan.

(CYNTHIA MARTIN)

LEFTIST CABINET MEMBERS
PINAYUHANG MAGBITIW

PINAYOHAN ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin, ang mga makakaliwang miyembro ng gabinete na magbitiw sa puwesto.

Pahayag ito ng kongresista makaraan ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsuspendi sa peace talks ng pamahalaan at ng komunistang grupo.

Ayon kay Villarin, dapat mag-isip-isip ang mga makakaliwang miyembro ng gabinete kung sila ay patuloy pang magseserbisyo sa pamahalaan gayong salungat na muli ang kanilang pananaw ng gobyerno.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *