Friday , November 22 2024

9 airport police, taxi driver, 18 airport civilian personnel pinarangalan

NALULUHANG iniharap ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal sa airport officials at media, ang siyam airport police officers, isang taxi driver, 18 airport civilian personnel, karamihan ay nakatalaga bilang building attendants sa apat Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals, kahapon bilang pagkilala sa kanilang kabutihang asal at katapatan nang isauli ang mahahalagang bagay na kanilang natagpuan sa paliparan. (JSY)

KINILALA ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa harap ng airport officials at media, ang siyam airport police officers, isang taxi driver, 18 airport civilian personnel, karamihan ay nakatalaga bilang building attendants sa apat Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals, kahapon.

Naluluhang sinabi ni MIAA General manager Ed Monreal, “marami pa palang mabubuting tao na nagtatrabaho sa airport,” ang tinutukoy niya ang siyam na airport policemen at 18 civilian personnel, na pinarangalan dahil sa kanilang pagiging tapat, nang isauli ang mahahalagang bagay na kanilang natagpuan sa paliparan.

Pinagkalooban ni Monreal ng “plaque of recognition” sina airport policemen Roderick Mejia, Jesus Ducusin, Gilfredo Dilan, Victor Mallari, Alvin Patayan, Archieval Amoguis, Eduardo Duran, at Roberto Umitin.

Ginawaran din ng parangal ni Monreal ang mga sibilyan na sina Rustoms Gammaru, Willaim Boco, Edwin Panti, Camelo Mari, Evler Buisel, Mark Jayson Feliciano, Brian Sibal, Noel Jabonitalia, Allan Lopez, Reymart Corto, Estrelita Perosa, Nonita Malinao, Gildina Aragon Eleanor Hernanxez, Julie Esmilio, Ana Espiritu at “special mentioned” sina Rizalde Ocde at Antonio Infante, na ibinalik ang mahigit P900,000 cash sa lost and found section ng paliparan.

Ang airport policemen ay kinilala bunsod nang marami nilang nahuhuli, at ang pinakamalaki rito ang pagkakasabat sa 22 piraso ng nakaw na diamonds, mula sa Kuala Lumpur at ipinadada sa LBC warehouse sa Tondo, Maynila noong 22 Disyembre 2016.

Sinabi ni Monreal, siya at ang kanyang mga opisyal ay sisikaping maging malinis at ligtas ang airport terminal, at tutugunan nila sa loob ng 24-oras, ang mga reklamong kanilang matatanggap.

“I hope airport officials and workers will joined me to clean the airport from scalawags.”

(JSY)

About JSY

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *