Monday , December 23 2024

Uuwing NDF panel (Mula sa Italy) ipinaaaresto ni Digong sa BI

020617_FRONT

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bureau of Immigration (BI) na arestohin ang mga lider-komunista, na tinawag niyang mga terorista, pagtapak sa paliparan mula sa paglahok sa peace talks sa Rome, Italy at Oslo, Norway.

“Nagmamagandang loob ka na nga, ipapahiya pa ako sa mga sagot ng p***** in*** akala mo kung sino.

“You give them all the leeway and everything and you… From now on I will consider the CPP-NPA-NDF (Communist Party of the Philippines–New People’s Army–National Democratic Front) a terrorist group,” ani Duterte sa kanyang pagbisita sa burol ng mga napaslang na sundalo sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City kahapon.

“Their leaders from Oslo, I am asking the military and the immigration to be on the lookout. Arrest them again,” dagdag niya.

“Arestohin ninyo sila ulit, ‘di na sila umuwi ok,” aniya.

Hindi aniya maaaring ipatupad sa NPA ang Geneva Convention dahil ang mga rebeldeng komunista ay mga bandido.

Nauna rito, inatasan ni Duterte ang government peace negotiators na umuwi ng bansa dahil kinansela na niya ang peace talks sa komunistang grupo. (ROSE NOVENARIO)

LEFT-INCLINED
CABINET MEMBER
DADALO PA RIN
SA PULONG

HINDI pagbabawalan dumalo sa mga pulong ng gabinete ang mga opisyal ng administrasyon mula sa maka-kaliwang grupo.

Ito ang tiniyak kahapon ni Communications Secretary Anna Banaag, tiwala pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kakayahan ng mga progresibong miyembro ng gabinete kahit pa kanselado ang unilateral ceasefire ng pamahalaang Duterte sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDFP).

“Like we said and like Secretary Bello has said and Spokesperson Abella has said in the past days, negotiations are open, Malacañang is open to all negotiations and as to members of the Cabinet who may be inclined — communist inclined or leftist inclined, they are open — they are still part of the Cabinet and they have the confidence of the President,” aniya.

Nauna nang sinabi ni NPA Spokesman Jorge ‘Ka Oris” Madlos na si Duterte naman ang nag-alok ng puwesto sa gabinete sa maka-kaliwang puwersa sa katuwiran na siya’y “leftist” at ang ginawa lang aniya ng NDFP ay nagrekomenda ng mga tao.

“Sabi ni Duterte, left siya, kaya nag-hire siya ng Left, that is his call. Siya naman ang nag-offer, nag- recommend lang naman ang NDF, so that is his call,” ani Ka Oris.

PEACE TALKS
ITULOY KAHIT
NAGBABAKBAKAN
— BAYAN

ITULOY ang peace talks habang nagbabakbakan. Ito ang panawagan ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) kahapon, sa administrasyon at sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP), makaraan tuldukan ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ang peace talks.

Ang pasya ni Duterte na kanselahin ang peace talks ay makaraan kanselahin ang unilateral ceasefire, na idineklara ng pamahalaan noong Agosto 2016.

Sinabi ni Bayan secretary-general Renato Reyes, Jr., hindi ang ceasefire ang sukatan ng sinseridad, at kaseryosohan sa peace talks.

Mas mahalaga aniyang sukatan ang pagtataguyod ng mga napirmahang kasunduan at pagbubuo ng bagong mga kasunduan sa repormang sosyo-ekonomiko, politikal at konstitusyonal.

“Maaaring may ceasefire nga pero kung wala namang makabuluhang pagbabago para sa mamamayan, mauuwi din ito sa wala,” ani Reyes.

Sa nakalipas na third round ng peace negotiations sa Rome, Italy kamakailan, nagkasundo ang magkabilang panig na tugunan ang armadong tunggalian, sa pamamagitan nang pagbalangkas ng Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER), Comprehensive Agreement on Political and Constitutional Reforms (CAPCR).

“What could be more compelling than addressing the root causes of the armed conflict through socio-economic reforms? What could be more compelling than political and constitutional  reforms that will empower the people and could possibly even pave the way for federalism?” dagdag ni Reyes.

Makaraan magpasya ang NDFP na ibasura ang kanilang unilateral ceasefire, ipinaalala ni NDFP panel chief Fidel Agcaoili, pareho sila ni GRP panel chief Silvestre Bello III, na may karanasan sa nag-uusap, habang nagbabakbakan noong panahon ng rehimeng Ramos.

Umabot sa 12 kasunduan ang aniya’y napirmahan nang panahong iyon, kasama ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law, The Hague Joint Declaration, at Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).

Ani Agcaoili, ang pagbasura sa unilateral ceasefire ay base sa kabiguan ng gobyernong Duterte, na gawaran ng amnesty at palayain ang halos 400 political prisoners, at ang paggamit sa unilateral ceasefire ng puwersa ng estado para maglunsad ng mga aksiyon laban sa mga rebelde.

Nauna rito, sa mensahe ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison sa ika-48 anibersaryo ng CPP, inihayag niya, bukas ang NDFP na tumayong katuwang ng rehimeng Duterte sa pagtatatag ng Federal Republic of the Philippines, at magbalangkas ng bagong konstitusyon na nagbabawal sa pasismo.

Naging karanasan din sa Colombia na habang umuusad ang usapang pangkapayaan ng pamahalaan sa Revolutionary Armed Forces of Colombia (FARC), ay walang umiral na ceasefire mula 2012, hanggang mapirmahan ang final peace agreement noong Agosto 2016.

Ang FARC ang itinuturing na “Latin America’s largest, strongest and most formidable guerrilla group.”

Sinimulan ng FARC ang pagsusulong ng armadong pakikibaka noong 1964 at noong Pebrero ay isinagawa ang huling martsa ng mga rebelde mula sa nayon tungo sa kalunsuran, sa inaasahang bagong buhay sa lipunan na may 52 taon nilang ipinaglaban na baguhin.

Sa darating na 31 May ay aabot sa 6,300 gerilya ang magsusuko ng kanilang mga armas sa United Nations (UN) mission, isang malaking hakbang sa pagbabalik sa buhay sibilyan.

Ilang beses inihalimbawa ni Duterte ang Colombia, bilang isang narco-state, at sa Filipinas ay matagal nang umiiral ang narco-politics.

LIDER KOMUNISTA
‘DI IPAAARESTO
—  PALASYO

INILINAW ng Malacañang, hindi ipadarakip muli ang pinakawalan nang mga lider ng National Democratic Front-Communist Party of the Philippines-New People’s Army (NDF-CPP-NPA).

Ito ay ayon kay Communications Assistant Secretary Ana Maria Paz Banaag, sa kabila nang kautusan na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ng gabi, na ipadakip sa mga awtoridad ang mga lider ng komunistang grupo.

Sinabi ni Banaag, hindi hahantong sa ganoon ang situwasyon, at walang kautusan inilabas sa military para maglunsad ng nasabing opensiba laban sa CPP-NPA.

Magugunitang sinabi ni Pangulong Duterte kamakalawa ng gabi, kanya nang sinuspinde ang peace talks ng pamahalaan, at komunistang grupo.

Kaugnay nito, hinimok niya ang government peace panel at mga lider ng komunista na umuwi sa bansa.

Ang deklarasyon ito ng Pangulo ay kasunod sa desisyon ng CPP-NPA na itigil ang unilateral ceasefire noong nakaraang linggo, dahil tumanggi ang punong ehekutibo na pakawalan ang mahigit 400 political prisoners.

 ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *