ISINIWALAT ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang mga South Korean ang humahawak ng sindikato ng ilegal na droga at prostitusyon sa Cebu.
“Well, I’m sure by this time that the NBI and the police… It’s already out in the open. The cat is out of the bag so we now know the problem. But I’ve always heard from all intelligence sources that in Cebu, with due respect to the South Korean government, sila ang humahawak ng droga, prostitusyon, ganoon,” ani Duterte kamakalawa ng gabi, sa media briefing sa Davao City.
Babala ng Pangulo, walang matatanggap na espesyal na prebelehiyo ang mga dayuhan sa bansa, kapag sila’y lumabag sa batas.
“Pero ang mga law-abiding Koreans ay bibigyan ng proteksiyon at itatratong tulad ng isang Filipino. Wala akong problema sa law-abiding Koreans. You will be protected, you will be treated equally as a Filipino. But for those who are into the racket of prostitution, drugs and everything, kidnapping, well, you will be treated as just an ordinary criminal just like a Filipino,” aniya.
“You do not enjoy special privileges just because you’re a foreigner,” ani Duterte. (ROSE NOVENARIO)