HINDI kokonsintihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Filipino na tinaguriang “tago nang tago” (TNT) o ilegal ang pananatili sa Amerika, maaaring tamaan ng bagong immigration policy ni US President Donald Trump.
Sa press conference kamakalawa ng gabi sa Palasyo, binigyan diin ng Pangulo, bilang respeto sa patakaran sa hindi pakikialam ni Trump sa kanyang drug war, iginagalang niya ang mga ipinaiiral nitong batas sa Amerika.
“Hindi ako makialam. So ‘yung mga Filipino nandoon, you better be on the right track. If you are not allowed to stay there where you are staying, get out. Because if you are caught and deported, I will not lift a finger. You know that it is a violation of the law,” aniya.
(ROSE NOVENARIO)