KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 54-anyos lalaki makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap ng kanilang bahay sa Caloocan City kahapon ng umaga.
Ginagamot sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Emerito Bilacaol, residente ng Block 10, Lot 24, Tanigue St., Samatad Compound, Dagat-Dagatan, Brgy. 14, ng nabanggit na lungsod.
Batay sa ulat ni Caloocan Police deputy chief for administration, Supt. Ferdinand Del Rosario, dakong 11:30 am, habang nakatayo ang biktima sa harap ng kanilang bahay nang biglang sumulpot ang motorsiklo ng mga suspek at siya ay pinagbabaril. (ROMMEL SALES)