Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 kelot sa labas ng Miss U venue inaresto

INARESTO ng mga pulis ang dalawang lalaking kahina-hinala ang kilos, sa labas ng venue ng Miss Universe pageant sa (MOA) Arena sa Macapagal Avenue, Pasay City, kahapon.

Kinilala ang mga inaresto na sina Hansel Hayag, at Jonathan Gutierrez.

Namataan paikot-ikot si Hayag sa paligid ng coronation venue at nakuha mula sa mga gamit niya ang isang wig.

Katuwiran ni Hayag sa pulisya, naglibot lamang siya sa mall, nagbabaka-sakaling makapasok siya kahit walang ticket, para makapanood sa timpalak ng Miss Universe.

Walang maipakitang ID sa mga pulis ang isa pang nahuling si Gutierrez, sinabing napadaan lang siya sa MOA bago sana kukuha ng National Bureau of Investigation (NBI) clearance.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

P6.8-B shabu Speed boat Paluan Occidental Mindoro

Sa abandonadong bangka
P6.8-B shabu natagpuan ng mga sundalo

NADISKUBRE ng tropang militar ang P6.8-bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong speedboat sa …

Arrest Shabu

P142.8-M ‘obats’ nasabat; 2 tulak timbog sa buybust

NASAMSAM ang hindi bababa sa P142,800,000 halaga ng hinihinalang shabu, habang nadakip ang dalawang pinanininiwalang …

NBI NMIS

Sa isang ‘planta’ sa Makati  
KARNE NG ASO FOR SALE ONLINE, 5 VIETNAMESE  ARESTADO

NASAKOTE ang limang Vietnamese nationals na pinaniniwalaang sangkot sa bentahan online ng processed dog meat …

arrest, posas, fingerprints

Kulang 48 oras
SINIBAK NA PARAK, KASAPAKAT ARESTADO SA PINATAY NA PULIS SA BULACAN

NAARESTO ng Police Regional Office 3 ang dalawang suspek na sangkot sa pamamaril sa isang …

Nueva Ecija Police PNP

2 bangkay sa sinunog na kotse kinilala ng pulisya, 2 POI tinutugis

PINANGALANAN nang pulisya ang dalawang bangkay na natagpuan sa sinunog na kotse sa Barangay Sinasajan, …