Saturday , November 16 2024

PTCFOR suspension aprub kay Bato

INAPROBAHAN ni Philippine National Police chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang suspensiyon ng permit to carry firearms outside residence (PTCFOR), sa mga lungsod ng Pasay at Parañaque, iniulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kahapon.

Ayon kay NCRPO spokesperson, Chief Insp. Kimberly Molitas, epektibo ang PTCFOR simula kahapon hanggang 12:00 ng hatinggabi ngayong Lunes, 30 Enero.

Tanging ang mga opisyal at tauhan ng PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP) at ibang tagapagpatupad ng batas mula sa ahensiya ng pamahalaan na nakasuot ng uniporme, ang pinapayagang magbitbit ng baril.

Dagdag ni Molitas, ito ay kaugnay sa ipatutupad na seguridad para sa Miss Universe pageant.

Samantala, maglalagay ang NCRPO ng checkpoints sa mga lansangan na pama-mahalaan ng ground commanders. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *