Saturday , November 16 2024

Terorista huwag ikanlong (Digong sa MILF at MNLF)

HUWAG ikanlong ang mga terorista sa inyong mga lugar para maiwasan ang pagdanak ng dugo.

Ito ang apela kahapon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) sa kanyang pagbisita sa mga sugatang sundalo sa Camp Siongco Hospital sa Maguindanao.

Nagbabala ang Pa-ngulo na mapipilitan siyang utusan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na salakayin ang mga kuta ng MILF at MNLF kapag napatuna-yan na ginagawang sanktuwaryo ng mga terorista.

“I am pleading. Do not allow the Maute and other terrorist groups to enter and seek refuge in your camps. Otherwise, mapipilitan akong sabihin sa Armed Forces pati pulis, pasukin ninyo. Then it could result in a… you know, magkalabuan tayo dito. I am not… I hate war. Matanda na ako, mga anak ko, children ko halo nga e. Pero pag ka magbigay kayo ng teritoryo ninyo, hindi mo kami papasukin, tapos poprotektahan ninyo. Ibang istroya ‘yan. Then you might… forget about, forget about peace. Away na lang,” aniya.

Isinumbat ng Pangulo sa MI na kahit alam niya na kasama sila sa mga pumatay sa Special Action Force (SAF) 44 sa Mamasapano carnage noong 2015 ay nagsawalang kibo siya dahil nagkamali ang gobyernong Aquino sa pagpasok sa kanilang teritoryo habang may umiiral na ceasefire.

“Kagaya no’ng Mamasapano, maybe nilunok na lang ng lahat because they went inside without the blessings of the MILF.

“I’m not saying that wala kayo roon. Government says that MI naki-tulong pati BI, pinabakbakan ninyo ang mga pulis, sundalo. Okay na lang ‘yan kasi nagkamali ang gobyerno. There was a serious flaw. Nagkamali ang — Nagkamali ‘yung sa gobyerno noon at pinayagan ang ganon. So ang ginawa ninyo, halos pinatay ninyo ‘yung [unclear]. We never said anything about you, ni hindi kayo sinisi namin. Kasi there was this agreement na hindi tayo puwedeng pumasok except really to catch a criminal. But you know that’s a grey area. So parang we swallowed it, pati ako. Wala kayong narinig. But you know this time, I am pleading. Do not allow the Maute and the other terrorist groups to enter and seek refuge in your camps,” aniya.

Ipinaalala muli ng Pangulo sa mga grupo ng rebeldeng Moro sa nakaambang panganib ng international terror group na  Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Mindanao na aniya’y “breadbasket” ng bansa.

Nauna rito, inihayag ng Pangulo na ang iba’t ibang terror groups sa Mindanao ang nasa likod ng operasyon ng illegal drugs sa Mindanao.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *