SUMENTRO ang pagbati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Tsino sa pagdiriwang ng Chinese New year ngayon sa mga naniniwala sa mga milagro ng simula at para sa mga pinili ang pag-asa kaysa takot.
“To everyone who believes in the miracle of beginnings and who makes a choice for hope against fear, my best wishes on this auspicious season of the Chinese New Year,” ani Pangulong Duterte sa kanyang Chinese New Year message kahapon.
Aniya, bawat simula ay hudyat ng mga bagong tsansa at malawak na oportunidad para sa pagbabago, at ito’y maaaring paborableng pasulong, isang pag-angat, o pagtalon tungo sa isang mas maayos at matatag na lugar, isang dahilan upang ikatuwa at ikarangal ang pagkakaroon ng buhay at pagkakamit sa mga mithiin.
“Each beginning, signals new chances and vast opportunities for change – and change can mean a favor move, a rising, or a leap towards a better station, a steady ground, a reason to be grateful for and proud of the gift of life and the fulfillment of our aspirations,” anang Pangulo.
Nakikiisa aniya ang pamahalaan sa kagalakan at pag-asa ng mga kaibigang Tsino at mga Tsinoy na natagpuan ang kanilang pinagmulan at dahilan nang pananatili sa Filipinas.
Katuwang aniya sila ng mga Filipino sa paglinang sa ating kultura at kanilang sariling kasaysayan.
“The government shares the joys and hopes of our Chinese friends and Chinese Filipinos who have found a root and reason for staying in the country. They have enriched the Filipino culture and history on their own,” dagdag ng Pangulo.
“May all of us deve-lop a more profound appreciation of our heritage as two distinct yet intertwined peoples, and further fortify the goodwill that we have shared over the year,” sabi niya.
Malaki aniya ang naiambag ng mga Tsino sa ekonomiya ng bansa sa larangan ng kalakal at puhunan at maging sa mga lutuin na naging pamilyar sa mga tahanan ng mga Filipino.
Ang pilosopiya at aktitud sa buhay ay hitik sa praktikal na aral na lahat ay natuto.
“They have contributed to the economy by trade and investments. Their cuisine has been dearly familiar in many Filipino homes. Their philosophy and attitude in life are a wellspring of practical lesson that all of us, regardless of nationality, can learn from,” anang Pangulo.
(ROSE NOVENARIO)