Saturday , November 16 2024
Duterte CPP-NPA-NDF
Duterte CPP-NPA-NDF

Balance of power kailangan imantena — Digong

NAIS ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na umiral ang “balance of power” sa kanyang administrasyon upang mapanatili ang katatagan ng gobyerno at makontrol ang magkakatunggaling puwersa.

Sa kanyang talumpati kahapon sa Camp Siongco Hospital sa Maguindanao, sinabi ng Pangulo na hindi niya solo ang pagdedesisyon sa gobyerno, lalo sa aspekto ng armadong tunggalian sa kilusang komunista.

Giit niya, hindi uubra ang hirit sa kanya ng liderato ng Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na palayain ang 400 political detainees hangga’t walang pirmadong bilateral ceasefire agreement sa gobyerno.

Anang Pangulo, sisiklab ang gulo sa bansa at maaaring talikuran siya ng mga sundalo at humantong sa kanyang kamatayan.

“Sabi ko sa mga komunista, gusto naman ninyo i-release ng 400 but gusto ninyo kaagad na may wala pang — sabi ko, bigyan ninyo ako ng dokumento na ceasefire. E ayaw ninyong ibigay e ‘di ayaw ko rin,” aniya.

“Pag sabihin ninyong uwi kayo, magtabla ‘e ‘di tabla. You know, sabi ko I still maintain I have given so much. Huwag ninyo akong pigain kasi ang gobyerno hindi lang akin. I do not make decisions alone. In violent activities, I consult the people. Kasi hindi ko puwedeng — Sabihan ko ng — alam mo ‘pag pinilit ninyo ako nang ganoon, ang papatay sa akin, ito lang rin mga sundalo,” aniya.

Paliwanag ng Pangulo, tulad ng kilusang komunista na ginagabayan ng political bureau (politburo), kailangan rin niyang pakinggan ang opinyon ng mga pinuno ng militar, defense secretary at gobyerno sa kabuuan, bago magpasya sa mga sensitibong usapin

“So you have to understand that even kayo may politburo. I do not just decide on my own without consulting people in government. I have to talk to the Defense Secretary, I have to talk to the commanders, I have to talk to the Chief of Staff, ‘is this acceptable to you?’ I am guided by the majority of the will of the — in government. It’s not my practice to decide things alone. Tinitimpla ko ‘yan e so kung makinig kayong mga kalaban sa gobyerno, gusto ko muna ceasefire lahat, mag-usap tayo. Pero kung ‘yang sinasabi ko na ikapote mo ‘yung mga Maute tapos ito namang ganyan, the communist head is demanding too much, it is not mine to give alone. It is a collective will of the people, particularly on the government side. Sa military command, it’s a chain of command, they’re willing to do it but it is a collective decision of the Chief of Staff, Defense, sa Armed Forces, Army, Navy, Air Force,” giit ng Pangulo.

Natapos kamakailan ang third round ng peace talks sa Rome, Italy na hindi napirmahan ang bilateral peace agreement.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *