HUMINGI ng paumanhin si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa gobyerno at mga mamamayan ng South Korea sa pagpaslang ng mga pulis sa kanilang kababayan sa Filipinas.
Tiniyak ng Pangulo, sa kanyang talumpati sa ceremonial switch-on ng Section 1 at ground breaking ceremony ng Section 2 ng Sarangani Energy Corp. Power Plant sa Brgy. Kamanga, Maasim, Sarangani kahapon, mabubulok sa kulungan ang mga pumatay kay dating Hanjin executive Jee Ick Joo, isang Korean businessman.
“I apologize for the death of your compatriot. We are very sorry that it had to happen. But I can assure you, those responsible are known to us already and they will have to go to prison and I will see to it that they will be sentenced to the maximum,” anang Pangulo.
Nauna nang nagbanta ang Pangulo na pa-patayin ang mga pulis na sangkot sa sindikatong kriminal at ipalalasap niya kung ano ang ginawa nila sa kanilang biktima.
“Ewan ko kung kailan, pero may araw talaga na ma-timing-an ko kayo. I am not saying… I never said inorderan ko si Bato, inorderan ko ‘yung regional ko to… I’ve always said, ‘papatayin ko kayo.’
“Meron din masasa — Gaya ng pulis na nag-kidnap. Aba they will… Sabi ko nga, kayong mga nasa gobyerno, I don’t know about your officers, but if you ask me, you will suffer the same fate. You will suffer the same fate,” aniya sa kanyang talumpati sa mass oath-taking ng PNP officers kamakailan sa Palasyo.
Si Jee ay dinukot, pinatay sa loob ng PNP headquarters sa Camp Crame, Quezon City at sinunog sa Caloocan noong nakalipas na Oktubre.
Kapag naibalik aniya ang death penalty sa bansa, 20 kriminal ang bibitayin araw-araw sabay biro na ipadadala sa po-wer plant ang kanilang mga bangkay upang gamiting uling.
(ROSE NOVENARIO)