NAGKASUNDO ang gobyerno ng Filipinas at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) panels na irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na ihirit kay Uncle Sam na tanggalin sa listahan ng international terrorists si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison.
Sinabi ni GRP chief Silvestre Bello III, ang nasa-bing kasunduan ay upang matiyak na hindi aarestohin ng awtoridad si Sison kapag nagpasyang bumalik sa Filipinas.
“President Duterte and Sison had earlier agreed to meet in any neutral Asian country once the latter is de-listed from the list of international terrorists,” ani Bello. May basehan aniya na alisin ng US sa kanilang terror list si Sison dahil ang CPP founding chairman ay kasama sa negosasyong pangkapayapaan.
“If the de-listing happens, Bello said Sison can join the panels in succeeding talks anywhere outside Europe. As assylum seeker in The Netherlands, Sison can be barred re-entering Europe once he travels outside the European Union countries,” ani Bello.
Matagal nang tinanggal ng European Union si Sison sa kanilang terror list.
“Baka ang talks sa Phi-lippines na (Maybe the talks can be held in the Philippines) because we are trying to get support from the people,” ani Bello.
Ang Amerika ang may control sa International Police (Interpol) at maaaring ipadakip si Sison kapag nagawi sa labas ng EU .
Mula noong 1987 ay nakabase na sa Utrecht, The Netherlands si Sison at ginawaran ng political asylum ng nasabing bansa matapos kanselahin ang kanyang Philippine passport ng administrasyong Arroyo.
(ROSE NOVENARIO)