Sunday , December 22 2024

SAF 44 commission bubuuin

ISANG komisyon ang bubuuin ni Pangulong Rodrigo Duterte upang muling imbestigahan ang kaso nang pagkamatay ng 44 commandos ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao noong 25 ng Enero, 2015.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Dialogue with SAF 44 Families kahapon sa Palasyo, isang katulad ng Agrava Commission ang kanyang itatatag sa layunin na bigyan ng hustisya ang sinapit ng SAF 44.

Ang Agrava Commission ang nag-imbestiga sa pagpaslang kay dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino na nagresulta sa paghatol sa mga sundalong sumundo sa senador sa Manila International Airport noong 21 ng Agosto, 1983 ngunit ang utak ng krimen ay hindi natumbok hanggang ngayon.

Inaasahan na sa SAF 44 Commission ay ang anak ni Ninoy na si dating Pangulong Benigno Aquino III ang pananagutin bilang utak ng Mamasapano carnage.

Ang SAF 44 Commission ay bubuuin aniya ng mga may integridad na personalidad gaya ng mga dating mahistrado ng Korte Suprema, at ilan mula sa pribadong sektor.

“I will create a commission of seven kagaya ng Agrava Commission noong panahon ni Marcos. I will appoint men of integrity and honor and kung tanggapin nila, then I will choose mostly the justices of the Supreme Court, maybe a few from the civilian sector, maybe a lawyer. Ayokong mag-recommend na kilala ko. I will not recommend anybody na… That has always been my policy. Kaya walang — ito, nandiyan man silang lahat. Walang lumalapit sa akin for assignment or ‘yung promotion,” dagdag niya.

Bibigyan ng Pangulo ang komisyon ng hanggang katapusan ng taon upang tapusin ang imbestigasyaon.

Samantala, inatasan ng Pangulo si PNP chief Director general Ronald “Bato” dela Rosa na isumite sa kanya ang rekomendasyon  para mabigyan ng medal of valor ang 42 SAF commandos hanggang katapusan ng buwan kasalukuyan.

Dalawa lang sa SAF 44 commandos ang binigyan ng “medal of valor” ni Aquino na ikinainis ng ibang naulilang pamilya dahil lahat naman aniya ay nagbuwis ng buhay sa Mamasapano operation.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *