Sunday , December 22 2024

Mamasapano ‘carnage’ ops ng CIA (SAF 44 ‘ipinapatay’ ni PNoy?)

012517_FRONT

NAKIPAGSABWATAN si dating Pangulong Benigno Aquino III sa Central Intelligence Agency (CIA) para isoga ang mga operatiba ng Special Action Force (SAF) sa operasyon laban kay international terrorist Zulkifli Bin Hin alyas Marwan at nagresulta sa pagkamatay ng 44 SAF commandos noong Enero 25, 2015.

“Let it be brought to the open. It was an American adventure with the cooperation of some and apparently with your blessing. Sinabi mo, pawis na pawis ka sa TV and you were so stressed and you said, ‘kasalanan ko ‘yan.’ But it is not enough. Sabihin mo sa Filipino, sabihin mo sa akin kung paano ka nagkasala? At anong ginawa ninyo bakit you fed the soldiers to the lion’s den, to be eaten by death?” ani Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Dialogue with the SAF 44 Families sa Palasyo kahapon.

Isiniwalat ni Pangulong Duterte ang lahat ng kanyang nalalaman sa madugong enkuwentro ng mga elemento ng SAF at mga armadong grupo kasama ang ilang kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ipinatungkol ni Duterte kay Aquino ang kanyang mga pahayag upang sumbatan sa naging kapabayaan at kasinungalingan ng dating Pangulo sa isyu ng SAF 44.

“Bakit hindi ninyo ginamit ang Army? And why was it under wraps? At bakit ninyo itinago na actually it was an operation of the CIA? Kaya totoo  ‘yun… But far from the highway, nandoon ‘yung chopper and you had to delude the nation that after the Marwan finger was cut, it was delivered dito sa Crame for the forensics, when as a matter of fact, ‘yung helicopter na ‘yon, ‘yun ang nagdala doon sa — just for validation, to confirm that it was indeed Marwan,” ani Duterte.

Ibinitin aniya ni Aquino ang imbestigasyon sa Mamasapano carnage  kaya hindi nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng SAF 44.

“Kasi ang investigation kasi, you could have completed it. You could have just simply say, ‘E ako ‘yung gumawa nito. Ako ‘yung nag-order but I left it to Purisima to do the direction. But I made the crucial decision and maybe along the way, I was also giving my inputs with the sense of being the in-charge, the highest official there,” anang Pangulo.

Halos 24 oras aniyang nakipagbakbakan ang mga kagawad ng SAF na ang pagsasanay ay sumabak sa urban terrorism at walang muwang sa terrain ng Mamasapano pero hindi humingi ng tulong sa militar para saklolohan ang police commandos.

Naniniwala si Duterte na paglabag sa umiiral na ceasefire ang pagpunta ng SAF sa Mamasapano dahil walang koordinasyon sa MILF at pinayagan mismo ni noo’y Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Deles.

“The fighting started in the wee hours, in the dawn of the day until midnight. Bakit ni isang rocket lang naman wala kayong inihulog? And who said na, ‘huwag kasi we will break’. So why did you enter into an operation which was really placing in jeopardy the lives, because at the end of the day, you would have decided not to send anymore? Kaya no’ng nagputukan na, pinigilan ninyo because alam ninyo and alam ni Deles that you have violated and kung ganoon, inisip ninyo hindi ninyo kaya uli, because then war would be declared,” aniya.

“Bakit ninyo itinago ‘yun? And why the police? Why not the Army with the artillery? At bakit kayo pumasok? Because under the agreement, if you want to arrest a criminal, not rebellion connected, you have to inform the MILF.  E kung pumasok kayo roon, it was really a violation. That is why na-stymie kayo. And ma’am, si Deles, I do not want to, you know, belabor. Ikaw ‘yung peace negotiator. And para sa akin, ikaw ‘yung nagpigil kay PNoy na huwag because war will breakout, because then you have violated the agreement that you should not enter MILF territory,” aniya.

Inakusahan ni Duterte si Aquino na ginamit ang pulis, pinabayaan na magmaniobra ng operasyon si noo’y PNP chief Alan Purisima kahit suspendido para sa US$5 milyon o P25 milyon na pabuya sa ulo ni Marwan.

“Ayan ang nangyari e. So where’s the five million? Bakit tatagu-taguin ‘yang pera? So the five million went to whom? Okay. But tell the truth, e ilan ba naman ‘yang five million dollars or 25 million pesos sa isang buhay ng tao? Tutal government can always answer for that if anything goes wrong. But who was so interested in the money? Gagamitin mo ang pulis,” giit ni Duterte.

Ikinuwento ni Duterte na nilayasan niya ang command conference nang araw na maganap ang Mamasapano carnage na ipinatawag ni Aquino sa Zamboanga at nahalata niya na may masamang nangyari base sa mga kilos nina Aquino at Interior Secretary Mar Roxas na balisa.

Nabuwisit si Duterte sa tanong ni Aquino sa isang heneral na ano ang dapat ginawa kung naroon sa Mamasapano gayong ilang oras nang patay ang SAF commandos at namamaho na.

“Alam ko na something was wrong. Iyong katabi kong general binulungan na ako. ‘Something horrible happened.’ At kayong dalawa… Sabi ko na ‘yung totoo para lumabas na. Kayong dalawa ni Roxas, I would say about four times, there was always a — we were not talking about anything. By the way,  ‘yung nandoon tayo sa command conference.You went back and forth sa, doon sa kuwarto na maliit sa well but… Then you, I could…  Alam mo, hindi naman tayo bata e. So ako, hindi rin ako mag-ano but, you know, I’ve been trained to what’s the demeanor of person. Trabaho ko sa korte ‘yan e. Every time that you went out of that room, I could see in your faces the — I cannot describe, ayokong insultuhin ko kayo but I could sense that something was really, really, really bad happened,” dagdag niya.

“Sinenyasan ko ‘yan si Bong, sabi ko, ‘Umalis tayo rito.’ By the…patay na lahat, mabaho na nga e tapos sabihin mo sa isang heneral, ‘kung ikaw ang nagpunta doon…’ Ma-remember mo kung sino ‘yung general na itinuro mo? What would you do…What would you have done? Ano dapat ang — ano ang gawin mo?” anang Pangulo.

Nagbanta si Pangulong Duterte kay Purisima na pananagutin sa mga katiwalian na pinaggagawa sa PNP at tiniyak na hindi mauulit ito habang siya ang Pangulo.

“Kasi kung… Si Purisima kasi noon, nakadikit na kaagad ikaw. You were so dependent on Purisima for everything and you even forgive him for all of his sins sa corruption. Ayaw kong buksan ‘yan. If I want to dig, I will dig but I will not look for guesses. Ikaw General Purisima, hindi tayo magkalaban pero do not… Alam mo na, isangkatutak din ang kasalanan mo sa pulis and even sa corruption, marami. But I can assure you that it will not — never, never happen to me. ‘Di talaga ako papayag. Hindi ko bastusin ‘yang mga pulis but I do not even ask or plead for their loyalty. I do not need it. I am just a worker in government,” aniya.

(ROSE NOVENARIO)

SAF 44
COMMISSION
BUBUUIN

ISANG komisyon ang bubuuin ni Pangulong Rodrigo Duterte upang muling imbestigahan ang kaso nang pagkamatay ng 44 commandos ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao noong 25 ng Enero, 2015.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Dialogue with SAF 44 Families kahapon sa Palasyo, isang katulad ng Agrava Commission ang kanyang itatatag sa layunin na bigyan ng hustisya ang sinapit ng SAF 44.

Ang Agrava Commission ang nag-imbestiga sa pagpaslang kay dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino na nagresulta sa paghatol sa mga sundalong sumundo sa senador sa Manila International Airport noong 21 ng Agosto, 1983 ngunit ang utak ng krimen ay hindi natumbok hanggang ngayon.

Inaasahan na sa SAF 44 Commission ay ang anak ni Ninoy na si dating Pangulong Benigno Aquino III ang pananagutin bilang utak ng Mamasapano carnage.

Ang SAF 44 Commission ay bubuuin aniya ng mga may integridad na personalidad gaya ng mga dating mahistrado ng Korte Suprema, at ilan mula sa pribadong sektor.

“I will create a commission of seven kagaya ng Agrava Commission noong panahon ni Marcos. I will appoint men of integrity and honor and kung tanggapin nila, then I will choose mostly the justices of the Supreme Court, maybe a few from the civilian sector, maybe a lawyer. Ayokong mag-recommend na kilala ko. I will not recommend anybody na… That has always been my policy. Kaya walang — ito, nandiyan man silang lahat. Walang lumalapit sa akin for assignment or ‘yung promotion,” dagdag niya.

Bibigyan ng Pangulo ang komisyon ng hanggang katapusan ng taon upang tapusin ang imbestigasyaon.

Samantala, inatasan ng Pangulo si PNP chief Director general Ronald “Bato” dela Rosa na isumite sa kanya ang rekomendasyon  para mabigyan ng medal of valor ang 42 SAF commandos hanggang katapusan ng buwan kasalukuyan.

Dalawa lang sa SAF 44 commandos ang binigyan ng “medal of valor” ni Aquino na ikinainis ng ibang naulilang pamilya dahil lahat naman aniya ay nagbuwis ng buhay sa Mamasapano operation.

(ROSE NOVENARIO)

PURISIMA, NAPEÑAS
SINAMPAHAN
NG KASO SA SAF 44

TULUYAN nang kinasuhan sa Sandiganbayan sina dating Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima at dating Special Action Force (SAF) Commander Getulio Napeñas dahil sa katiwalian at usurpation of powers kaugnay sa Mamasapano encounter.

Ginawa ng Office of the Special Prosecutor ang pahahain ng reklamo sa bespiras ng ikalawang anibersaryo ng madugong insidente na ikinamatay ng 44 tauhan ng Special Action Force (SAF).

Matatandaan, nangyari ang enkwentro ng SAF, MILF at iba pang armadong grupo sa Mamasapano, Maguindanao noong 25 ng Enero, 2015, dahil sa pagsisilbi ng warrant of arrest sa teroristang si Zulkifli bin Hir alyas Marwan.

Ayon sa special prosecutors, nakitaan nang sapat na basehan ang reklamo para tuluyang iakyat sa anti-graft court dahil sa pakikialam ni Purisima sa maselang operasyon, sa kabila na siya ay suspendido.

Samantala, sinasabing nilabag ni Napeñas ang panuntunan ng PNP nang hindi niya ipaalam sa kanyang higher officials ang nasabing operasyon.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *