Saturday , November 16 2024

Mas matatag na alyansa hirit ni Trump kay Digong

DALAWANG araw pa lang ang administrasyong Trump ay humirit na agad ng mas matatag na alyansa at kooperasyon ng Filipinas at ni Uncle Sam sa gobyernong Duterte.

Ito ang sinabi kahapon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Aniya, tinawagan siya sa telepono kahapon ng umaga ni Michael Flynn, ang national security adviser ni US President Donald Trump, at sa loob ng walong minuto’y tinalakay ang pagpapalakas ng relasyon ng dalawang bansa.

Kabilang sa mga usapin na nais tutukan ng Amerika ang paglaban sa terorismo, illegal drugs at isyu ng South China Sea (SCS).

Ani Esperon, inanyayahan siya ni Flynn na bumisitang muli sa Amerika na sinuklian niya ng imbitasyon sa US top spook na magpunta rin sa Filipinas.

Sina Esperon at Communications Secretary Martin Andanar ay magkasamang nagpunta sa inagurasyon ni Trump bilang ika-45 pangulo ng Amerika at bumalik sa bansa kahapon.

Matatandaan, naging mapakla ang relasyong PH-US nang umalma si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbatikos ni dating President Barack Obama sa umano’y paglobo ng bilang ng extrajudicial killings sa bansa mula nang ilunsad ng administrasyon ang drug war.

Binuhay ni Duterte ang pakikipag-ugnayan ng Filipinas sa Russia at China, mga kalaban ni Uncle Sam.

Kamakailan ay kinompiska ng Chinese navy ang US underwater drone sa South China Sea malapit sa Subic Bay sa Zambales.

Ibinalik din ng China ang unmanned underwater vehicle (UUV) ng US na ayon sa Pentagon ay ginagamit nila sa pagsasagawa ng scientific research, nang makuha ng Chinese navy sa area.

Pinalalawak ng China ang pagtatayo ng mga estruktura sa mga inaangking teritoryo habang ang US ay nagpadala ng military ships at eroplano sa lugar na may prenteng nagsasagawa ng “freedom of navigation” operations upang matiyak daw ang “access to key shipping and air routes.”

Napabalitang labis na nabahala ang Filipinas sa drone incident dahil nakadagdag ito sa tsansa na magkaroon ng “miscalculations” na maaaring magbigay daan sa “open confrontation” malapit sa Filipinas.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *