Monday , December 23 2024

Punerarya gamit sa money-laundering ng ninja cops

012317_FRONT
GINAGAMIT sa money laundering ang mga punerarya dahil inilalagak ng ninja cops ang kinita sa illegal drugs trade sa negosyong ‘hanap-patay.’

Nabatid na may “discreet investigation” na isinasagawa ang intelligence community sa mga punerarya na may koneksiyon sa mga opisyal o kagawad ng Philippine National Police (PNP).

Ayon sa source, bunsod ito nang naganap na pagdukot, pagpatay at pagsunog kay dating Hanjin  executive Jee Ick-joo, 53, ng mga pulis.

Batay sa ulat nagtatago sa Canada ang isa sa mga suspect na si Gerardo Santiago, retiradong pulis, barangay chairman sa Barangay 165 sa Caloocan City at may-ari ng Gream Funeral Homes na pinagdalhan ng bangkay ni Jee.

Nabatid sa source na matagal nang gawain ng ninja cops o ang mga pulis na nagbebenta ng mga nakompiskang shabu, ang kahalintulad na modus nang pagpatay kay Jee at upang hindi mabuko na may malaki na silang nalikom na kuwarta sa illegal na aktibidad ay magtatayo sila ng negosyong punerarya.

“Gumagamit ng dummy o ibang tao ang mga ninja cops para iparehistro ang punerarya, ang iba na medyo malakas ang loob ay nakapangalan sa kanilang kamag-anak,” sabi ng source.

Parang kabute aniyang nagsulputan ang mga punerarya at crematorium, lalo na nang maging bantog ang Oplan Tokhang ng PNP.

Kamakailan ay inihayag ni PNP chief Ronald “Bato” dela Rosa na hihilingin niya ang ayuda ng lokal na pamahalaan para siyasatin ang operasyon ng mga punerarya at crematorium.

Naniniwala si  Bato, ang ilang dinala sa crematorium ay mga biktima ng krimen o missing persons kaya hindi nabigyan ng katarungan ang kanilang sinapit.

“I think meron batas na sinusunod sa pagkuha ng LGU visitorial power na puwede nila inspeksiyonin ang crematorium sino pinaki-cremate diyan that would lead to the non solution to the crime,” ani Bato sa panayam sa Palasyo.

Kombinsido si Bato, napabayaan ng mga nagdaang liderato ng PNP ang problema sa scalawags at kaya lumala dahil hindi sinuportahan ng mga dating Pangulo ang pagpupurga sa kanilang hanay. Tiniyak ni Bato na sa panahona ni Duterte ay seryoso ang gagawin niyang paglilinis sa PNP.

“Ngayon lang ba napatayan ng Koreano sa panahon ni Pres Duterte? For all you know prangkahan tayo mas maraming krimen noon pa, ‘di pa panahon ni  Presidente, ‘yung police na sindikato na ‘di nalalaman dahil liderato ng PNP, di ganoon katindi pag internal cleansing ng pulisya, sorry po sa nagdaan na chief PNP, I don’t mean to offend, ‘di sila magtapangan kung wala sila ganoon back up na Presidente. Ganoon ako, sino maghabol sa sindikato ng police na walang back-up na presidente? Ganoon ang dilemma ng previous ladership wala sila presidenteng na back up,” dagdag ni Bato.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *