Friday , April 25 2025

Yaman ng Simbahan target ni Digong (Hinamon ng showdown)

KINUWESTIYON ni Pangulong Rodrigo Duterte kung paano ginagasta ng Simbahang Katoliko ang kanilang yaman gayong nananatiling nagdarahop ang mga Katoliko at naghihintay na mangyari ang mga inilalako nilang milagro.

Sa kanyang talumpati sa mass oath-taking ng mga bagong promote na police officers, sinabi ng Pangulo, milyong piso ang kinikita ng simbahan kada linggo sa buong bansa pero hindi ipinaliliwanag ng mga pari kung saan napunta o ginasta.

Hinamon ni Duterte ng “showdown” ang Simba-han na mistulang lantaran nang baho upang maipaliwanag ng mga pari ang mga kinasangkutang eskandalo gaya ng pagmolestiya sa mga kabataan, paggamit ng kanilang pondo.

“E you ask for it e. So kung gusto mo talaga showdown, e showdown na sige. Magbago kayo ‘pag hindi…If you cannot mend your ways, if you cannot even give justice to the, you know, the small boys that you have molested in the past, you do not have that moral ascendancy to lecture on what to do. Sanctity of life? You’re enjoying your worth. Pagkatapos sanctity. Kayo diyan mga palasyo. Ang mga tao nandiyan sa squatters tapos sanctity? Tumingin nga kayo salamin ninyo,” aniya.

Binigyan diin niya na walang ginawa ang Simbahan upang pigilin ang paglala ng suliranin sa illegal drugs at ngayon na nilulutas niya ay binabatikos pa siya.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Neri Colmenares

Ebidensiyang hawak malakas — Colmenares
PROSEKUSYON KOMPIYANSA, VP SARA TALSIK SA PUWESTO

TIWALA si dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na mapatatalsik sa puwesto si Vice …

042425 Hataw Frontpage

10 pulis-QC sibak sa ibinangketang ‘Marijuana’

ni ALMAR DANGUILAN SINIBAK sa puwesto ang sampung pulis ng Quezon City Police District (QCPD) …

Vico Sotto

Mayor Vico Sotto, Pinipilit na Magbigay ng Solusyon sa mga Isyu ng mga Konsehal

MATAPOS ang mga kamakailang protesta mula sa publiko, ang Alkalde ng Pasig City na si …

Joey Salceda

Mahahalagang benipisyong pamana ni Salceda para sa mga Seniors

LEGAZPI CITY – Mahalagang mga benepisyo para sa mga ‘Senior Citizens’ (SC) ang iiwanan ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *