NANGGIGIGIL sa galit na humarap sa media sa Palasyo kahapon si PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa at binantaan na papatayin ang mga pulis na sangkot sa kidnap-for-ransom syndicates.
“If I have my way papatayin ko kayo mga pulis kayo mga kidnapper. If I have my way because it’s illegal, ako bilang isang Filipino gusto ko patayin pulis na sindikato. I cannot do it that’s illegal,” ani Bato na namumula sa galit.
Ang pahayag ni Bato ay kaugnay sa pagpatay kay Hanjin executive Jee Ick Joo, isang Korean businessman, ng mga pulis sa pangunguna ni SPO3 Ricky Sta. Isabel, leader ng kidnap-for-ransom syndicate sa loob ng Camp Crame at sinunog ang bangkay sa crematorium na pagmamay-ari ng isang retiradong pulis na kasama sa sindikato kahit nagbayad ng P5 milyon ransom ang pamilya ng biktima.
Sobrang kahihiyan ang naramdaman ni Bato sa insidente at kung maaari aniyang matunaw na siya sa kinauupuan niya dahil mga pulis mismo ang mga kriminal.
“Very angry very offended kung pwede na matunaw na ko sa kinalalagyan ko sa hiya it happened sa loob ng Camp Crame kinuha sa Caloocan, doon pinatay,” aniya.
“Ngayon lang namin nalaman ‘yan, eto pa naman hunt na namin siya, nag-panic na ang mga kasamahan niyang dalawa hanggang nag-surrender sa kanilang director nagsabi sa nalalaman nila sa pangyayaring ‘yun, doon nila nalaman sa 2 pulis na nangyari sa Camp Crame, doon nila ipina-cremate sa crematorium sa local ‘yung may-ari ng crematorium is retired din na police na naging brgy capt sa Caloocan, Santiago apelyido matagal na style ginagawa cremate kidnap victim… wala na body of the crime ashes na, pa-DNA mo ang victim buti kung ma-recover mo ashes, sabi nag-panic, I don’t know how was that nag-panic daw isang empleyado, flash na sa toilet bowls ang ashes,” aniya.
Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na nagtatago na sa Ca-nada ang may-ari ng Gream Funeral Parlor na pagmamay-ari ng barangay chairman sa Bagbaguin, Caloocan City na si Gerald Santiago, isang retiradong pulis.
(ROSE NOVENARIO)