Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

OTS personnel nasa hot water sa ‘kotong-try’

NASA hot water ang isang security personnel ng Office for Transportation and Security (OTS) makaraan iutos ni Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal na siya ay imbestigahan kaugnay sa indirect extortion attempt sa isang Filipina balikbayan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1.

Kinilala ni Monreal ang suspek na si Sergio Padilla, OTS security screener na nakatalaga sa final security check ng NAIA terminal 1.

Ayon sa salaysay ng biktimang si Carol Reynon Quebalayan, siya at ang kasamang Jordanian ay pinigil ng suspek sa final security check area nang makita ang garapon ng “Ube jams” sa kanyang hand carry bag noong 4 Enero.

Sinabi ni Quebalayan, pasakay sila sa China Southern Airlines Flight CZ-3078I dakong 7:35 am nang harangin sila ni Padilla.

Aniya, sinabi ni Padilla na bawal ang mga garapon sa hand carry bags sa loob ng eroplano.

Nang itanong ng biktima sa suspek kung ano ang dapat gawin upang makasakay sa eroplanong paalis dakong 8:45 am, sinabi ni Padilla na mag-usap sila sa lugar na itinuro ng suspek.

Nang tumanggi si Quebalayan, sinabi ng suspek na bahala siya kung ayaw niyang ma-kipag-usap at itapon na lamang ang jams sa basurahan.

Nang dumating ang dalawang ground personnel ng China Southern Airlines na naghahanap sa kanila ay pinabalik sila ng suspek sa final security check area at pinayagan nang ipasok ang jams.

Gayonman, sinabi ng airline crew na sarado na ang boarding gate kaya hindi na sila makasasakay pa.

Sinabi aniya ng airline personnel na si Stephanie Santos, ang tangi nilang magagawa ay ipa-rebok ang kanilang tickets para sa flight sa susunod na linggo.

Nang humingi sila ng tulong kay Airport Police Salaysay Anatalio ng Airport Police Department, sinisi sila sa pagdating sa airport nang late at idiniing hindi  sila maaaring maghain ng reklamo laban kay Padilla dahil halos dalawang oras lamang sila pinigil ng suspek.

Ayon sa biktima, dahil sa ginawa ni Padilla, hindi sila nakasakay sa eroplano at kailangang magbayad ng P75,000 para sa bagong tickets, at masakit pa aniya, kailangan nilang i-rebook ang kanilang flight sa Dubai dahil doon nila binili ang tickets at kai-langang magbayad ng US$1,100 dollars para sa rebooking.

Ani Quebalayan, nakaalis sila ng kasama niyang Jordanian dakong 8:00 pm nang bumili sila ng bagong ticket sa kaparehong airline company. (JSY)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About JSY

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …